2 Samuel 8:1-18
8 At nangyari nga na pagkatapos nito ay pinabagsak ni David ang mga Filisteo+ at sinupil sila,+ at kinuha ni David ang Meteg-amma mula sa kamay ng mga Filisteo.
2 At pinabagsak niya ang mga Moabita+ at sinukat niya sila ng pisi, na pinahihiga sila sa lupa, at sumukat siya ng dalawang pisi upang patayin sila, at isang buong pisi upang panatilihin silang buháy;+ at ang mga Moabita ay naging mga lingkod ni David+ na nagdadala ng tributo.+
3 At pinabagsak ni David si Hadadezer+ na anak ni Rehob na hari ng Zoba+ samantalang yumayaon siya upang muling ibalik ang kaniyang pamamahala sa may ilog ng Eufrates.+
4 At nakabihag si David mula sa kaniya ng isang libo pitong daang mangangabayo at dalawampung libong lalaking naglalakad;+ at pinilay+ ni David ang lahat ng kabayong pangkaro,+ ngunit nagtira siya sa kanila ng isang daang kabayong pangkaro.
5 Nang dumating ang Sirya ng Damasco+ upang tulungan si Hadadezer na hari ng Zoba, pinabagsak ni David sa mga Siryano ang dalawampu’t dalawang libong lalaki.+
6 Isa pa, naglagay si David ng mga garison+ sa Sirya ng Damasco; at ang mga Siryano ay naging mga lingkod ni David na nagdadala ng tributo.+ At si Jehova ay patuloy na nagliligtas kay David saanman siya pumaroon.+
7 Bukod diyan, kinuha ni David ang mga bilog na kalasag+ na yari sa ginto na nasa mga lingkod ni Hadadezer at dinala ang mga iyon sa Jerusalem.
8 At mula sa Beta at Berotai, na mga lunsod ni Hadadezer, si Haring David ay kumuha ng pagkarami-raming tanso.+
9 At narinig ni Toi na hari ng Hamat+ na pinabagsak ni David ang buong hukbong militar ni Hadadezer.+
10 Kaya isinugo ni Toi kay Haring David si Joram na kaniyang anak upang tanungin siya tungkol sa kaniyang kalagayan+ at batiin siya sa dahilang nakipaglaban siya kay Hadadezer anupat napabagsak niya ito (sapagkat si Hadadezer ay sinanay sa pakikidigma laban kay Toi); at sa kaniyang kamay ay may mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto at mga kagamitang tanso.+
11 Ang mga ito rin ay pinabanal ni Haring David kay Jehova, kasama ang pilak at ang ginto na pinabanal niya mula sa lahat ng bansa na sinupil niya,+
12 mula sa Sirya at mula sa Moab+ at mula sa mga anak ni Ammon at mula sa mga Filisteo+ at mula sa Amalek+ at mula sa nasamsam kay Hadadezer na anak ni Rehob na hari ng Zoba.+
13 At si David ay gumawa ng isang pangalan nang bumalik siya mula sa pagpapabagsak sa mga Edomita sa Libis ng Asin+—labingwalong libo.+
14 At nagpanatili siya ng mga garison sa Edom.+ Sa buong Edom ay naglagay siya ng mga garison, at ang lahat ng Edomita ay naging mga lingkod ni David;+ at laging inililigtas ni Jehova si David saanman siya pumaroon.+
15 At si David ay patuloy na naghari sa buong Israel;+ at si David ay patuluyang naglalapat ng hudisyal na pasiya at katuwiran+ para sa kaniyang buong bayan.+
16 At si Joab+ na anak ni Zeruias ang namamahala sa hukbo; at si Jehosapat+ na anak ni Ahilud ang tagapagtala.
17 At si Zadok+ na anak ni Ahitub at si Ahimelec+ na anak ni Abiatar ang mga saserdote, at si Seraias ang kalihim.
18 At si Benaias+ na anak ni Jehoiada ang namamahala sa mga Kereteo+ at sa mga Peleteo.+ Kung tungkol sa mga anak ni David, sila ay naging mga saserdote.+