Job 39:1-30
39 “Nalalaman mo ba ang takdang panahon upang manganak ang mga kambing-bundok sa malaking bato?+Namamasdan mo ba kung kailan nagluluwal ang mga babaing usa+ nang may mga hapdi ng panganganak?
2 Binibilang mo ba ang mga buwang lunar ng kanilang kagampanan,O nalalaman mo ba ang takdang panahon ng kanilang panganganak?
3 Yumuyukod sila kapag inilalabas nila ang kanilang mga anak,Kapag iwinawaksi nila ang kanilang mga hapdi.
4 Ang kanilang mga anak ay nagiging mabulas, ang mga iyon ay lumalaki sa malawak na parang;Yumayaon nga ang mga iyon at hindi bumabalik sa kanila.
5 Sino ang nagpalaya sa sebra,+At sino ang nagkalag ng mga tali ng mailap na asno,
6 Na bilang kaniyang bahay ay itinakda ko ang disyertong kapataganAt ang lupain ng asin+ bilang kaniyang mga tahanang dako?
7 Pinagtatawanan nito ang kaguluhan ng bayan;Ang mga ingay ng manghuhuli+ ay hindi nito naririnig.
8 Ginagalugad nito ang mga bundok bilang kaniyang pastulan+At ang bawat uri ng luntiang halaman+ ay hinahanap nito.
9 Nanaisin ba ng torong gubat na maglingkod sa iyo,+O magpapalipas ba ito ng gabi sa tabi ng iyong sabsaban?
10 Tatalian mo bang mahigpit ang torong gubat habang ang mga lubid nito ay nasa tudling,O magbubungkal+ ba ito ng mabababang kapatagan kasunod mo?
11 Pagtitiwalaan mo ba ito dahil ang lakas nito ay sagana,At iiwan mo ba rito ang iyong pinagpapagalan?
12 Aasahan mo ba ito na ibabalik nito ang iyong binhiAt titipunin iyon sa iyong giikan?
13 Pumagaspas ba nang may kagalakan ang pakpak ng babaing avestruz,O mayroon ba siyang mga bagwis ng siguana+ at mga balahibo nito?
14 Sapagkat iniiwan niya ang kaniyang mga itlog sa lupaAt sa alabok ay pinananatili niyang mainit ang mga iyon,
15 At nalilimutan niyang baka madurog ng paa ang mga iyonO baka mayurakan ang mga iyon ng mabangis na hayop sa parang.
16 Pinakikitunguhan niya nang walang pakundangan ang kaniyang mga anak, na para bang hindi sa kaniya+—Walang kabuluhan ang kaniyang pagpapagal sapagkat wala siyang panghihilakbot.
17 Sapagkat ipinalimot sa kaniya ng Diyos ang karunungan,At hindi niya ito binahaginan ng pagkaunawa.+
18 Sa panahong ikinakampay niya ang kaniyang mga pakpak sa kaitaasan,Pinagtatawanan niya ang kabayo at ang nakasakay rito.
19 Mabibigyan mo ba ang kabayo ng kalakasan?+Madaramtan mo ba ang leeg nito ng pumapagaspas na kilíng?
20 Mapalulukso mo ba ito na tulad ng balang?Ang karingalan ng pagsingasing nito ay nakatatakot.+
21 Dumadamba+ ito sa mababang kapatagan at nagbubunyi sa kalakasan;Humahayo ito upang sumagupa sa baluti.+
22 Pinagtatawanan nito ang panghihilakbot, at hindi nasisindak;+Ni tumatalikod man ito dahil sa tabak.
23 Laban dito ay kumakalampag ang talanga,Ang talim ng sibat at ang diyabelin.
24 Nilalamon nito ang lupa nang may pagdagundong at pagkabagabag,At hindi ito naniniwala na iyon ay tunog ng tambuli.
25 Kapag humihip ang tambuli ay nagsasabi ito ng Aha!At mula sa malayo ay naaamoy nito ang pagbabaka,Ang kaguluhan ng mga pinuno at ang hiyaw ng digmaan.+
26 Dahil ba sa iyong pagkaunawa kung kaya ang halkon ay pumapaimbulog,Kung kaya iniuunat nito ang kaniyang mga pakpak sa hanging timugan?
27 O dahil ba sa iyong utos kaya lumilipad nang paitaas ang agila+At kaya gumagawa ito ng kaniyang pugad sa kaitaasan,+
28 Kung kaya sa malaking bato ito tumatahan at nananatili sa magdamagSa pinakangipin ng malaking bato at sa isang dakong mahirap marating?
29 Mula roon ay kailangan nitong maghanap ng pagkain;+Doon sa malayo ay tumitingin ang mga mata nito.
30 At ang mga inakáy nito ay laging sumisipsip ng dugo;At kung saan naroon ang napatay ay naroon iyon.”+