Job 10:1-22
10 “Ang aking kaluluwa ay talagang naririmarim sa aking buhay.+Ako ay magbubulalas ng aking pagkabahala tungkol sa aking sarili.Ako ay magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa!
2 Sasabihin ko sa Diyos, ‘Huwag mo akong ariing balakyot.Ipaalam mo sa akin kung bakit ka nakikipagtalo sa akin.
3 Mabuti ba para sa iyo na gumawa ka ng mali,+Na iyong itakwil ang bunga ng pagpapagal ng iyong mga kamay,+At na sa payo ng mga balakyot ay magliliwanag ka nga?
4 Mayroon ka bang mga matang+ laman,O nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng isang taong mortal?+
5 Ang mga araw mo ba ay tulad ng mga araw ng taong mortal,+O ang mga taon mo ba ay gaya rin ng mga araw ng isang matipunong lalaki,
6 Anupat sinisikap mong masumpungan ang aking kamalianAt ang aking kasalanan ay lagi mong hinahanap?+
7 Ito ay sa kabila ng iyong pagkaalam na hindi ako mali,+At walang sinumang makapagliligtas mula sa iyong sariling kamay?+
8 Ang iyong sariling mga kamay ang humubog sa akin anupat ginawa ako ng mga iyon+Sa kabuuan sa palibot, at gayunma’y lalamunin mo ako.
9 Alalahanin mo, pakisuyo, na ginawa mo ako mula sa luwad+At sa alabok ay pababalikin mo ako.+
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na gaya nga ng gatasAt tulad ng keso upang kurtahin ako?+
11 Dinamtan mo ako ng balat at lamanAt pinagsugpung-sugpong mo ako sa pamamagitan ng mga buto at mga litid.+
12 Pinagkalooban mo ako ng buhay at maibiging-kabaitan;+At ang aking espiritu ay binantayan ng iyong sariling pangangalaga.+
13 At ang mga bagay na ito ay ikinubli mo sa iyong puso.Nalalaman kong lubos na ang mga bagay na ito ay nasa iyo.
14 Kung ako ay nagkasala at lagi mo akong binabantayan+At sa aking kamalian ay hindi mo ako itinuturing na walang-sala;+
15 Kung ako ay talagang mali, sa aba ko!+At kung ako ay talagang tama, hindi ko maitataas ang aking ulo,+Lipos ng kasiraang-puri at tigmak ng kapighatian.+
16 At kung ito ay kikilos nang may kapalaluan,+ hahanapin mo akong tulad ng isang batang leon,+At muli kang magpapakitang kamangha-mangha dahil sa akin.
17 Ikaw ay maglalabas ng mga bagong saksi mo sa harap ko,At patitindihin mo pa ang iyong pagkayamot sa akin;Ang sunud-sunod na paghihirap ay sumasaakin.
18 Kaya bakit mo ako inilabas mula sa bahay-bata?+Pumanaw na sana ako, upang wala ni isang mata ang nakakita sa akin,
19 Ako sana ay naging parang hindi umiral;Ako sana ay dinala mula sa tiyan patungo sa dakong libingan.’
20 Hindi ba kakaunti ang aking mga araw?+ Patigilin mo nga siya,Alisin niya ang kaniyang pagkakatitig sa akin, upang umaliwalas+ naman ako nang kaunti
21 Bago ako umalis—at hindi na ako babalik+—Patungo sa lupain ng kadiliman at matinding anino,+
22 Patungo sa lupain ng dilim na tulad ng karimlan, ng matinding aninoAt kaguluhan, kung saan hindi ito nagliliwanag nang higit pa kaysa sa karimlan.”