Job 35:1-16

35  At si Elihu ay patuloy na sumagot at nagsabi:  2  “Ito ba ang itinuturing mo na katarungan?Sinabi mo, ‘Ang aking katuwiran ay higit kaysa sa Diyos.’+  3  Sapagkat sinasabi mo, ‘Ano ang silbi nito sa iyo?+Ano ang pakinabang ko na higit kaysa sa aking pagkakasala?’+  4  Ako ang tutugon sa iyoAt sa iyong mga kasamahang+ kapiling mo.  5  Tumingala ka sa langit+ at tingnan mo,At masdan mo ang mga ulap,+ na ang mga iyon ay talagang mas mataas kaysa sa iyo.  6  Kung magkakasala ka nga, ano ang nagawa mo laban sa kaniya?+At kung dumami nga ang iyong mga pagsalansang, ano ang nagagawa mo sa kaniya?  7  Kung ikaw ay talagang nasa tama, ano ang ibinibigay mo sa kaniya,O ano ang tinatanggap niya mula sa iyong kamay?+  8  Ang iyong kabalakyutan ay maaaring laban sa isang tao na tulad mo,+At ang iyong katuwiran sa isang anak ng makalupang tao.+  9  Dahil sa dami ng paniniil ay lagi silang humihingi ng saklolo;+Lagi silang humihingi ng tulong dahil sa bisig ng mga dakila.+ 10  Gayunman ay walang sinumang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos na aking Dakilang Maylikha,+Ang Isa na nagbibigay ng mga awitin sa gabi?’+ 11  Siya ang Isa na nagtuturo+ sa atin nang higit kaysa sa mga hayop sa lupa,+At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga lumilipad na nilalang sa langit. 12  Doon ay lagi silang dumaraing, ngunit hindi siya sumasagot,+Dahil sa pagmamapuri+ ng masasama. 13  Ang kabulaanan lamang ang hindi dinirinig ng Diyos,+At hindi iyon minamasdan+ ng Makapangyarihan-sa-lahat. 14  Gaano pa kaya kapag sinasabi mong hindi mo siya nakikita!+Ang usapin sa batas ay nasa harap niya, kung kaya dapat mo siyang hintayin nang may pagkabalisa.+ 15  At ngayon yamang ang kaniyang galit ay hindi humihingi ng pagsusulit,+Hindi rin siya nagbibigay-pansin sa labis na pagpapadalus-dalos.+ 16  At ibinubukang mabuti ni Job ang kaniyang bibig nang wala namang kabuluhan;Nagpaparami siya ng mga salita nang walang kaalaman.”+

Talababa