Job 15:1-35

15  At si Elipaz na Temanita ay sumagot at nagsabi:   “Ang isa bang taong marunong ay sasagot ng mahanging kaalaman,+O pupunuin ba niya ang kaniyang tiyan ng hanging silangan?+   Ang pagsaway lamang ng isang salita ay walang silbi,At ang mga pananalita lamang ay hindi kapaki-pakinabang sa ganang sarili.   Gayunman, inaalisan mo ng bisa ang pagkatakot sa Diyos,At binabawasan mo ang anumang pagkabahala sa harap ng Diyos.   Sapagkat sinasanay ng iyong kamalian ang iyong bibig,At pinipili mo ang dila ng mga taong tuso.   Inaari kang balakyot ng iyong bibig, at hindi ako;At ang sarili mong mga labi ay sumasagot laban sa iyo.+   Ikaw ba ang kauna-unahang tao na ipinanganak,+O iniluwal ka bang may mga kirot ng pagdaramdam bago pa ang mga burol?+   Sa matalik na pakikipag-usap ng Diyos ay nakikinig ka ba,+At sinasarili mo ba ang karunungan?   Ano ba ang alam mo na hindi namin alam?+Ano ang nauunawaan mo na wala rin sa amin? 10  Kapuwa ang may-uban at ang matanda na ay kasama namin,+Yaong may mas maraming araw kaysa sa iyong ama. 11  Ang mga kaaliwan ba mula sa Diyos ay hindi sapat para sa iyo,O ang isang salita na sinalita sa iyo nang banayad? 12  Bakit ka nadadala ng iyong puso,At bakit kumikislap ang iyong mga mata? 13  Sapagkat ibinabaling mo ang iyong espiritu laban sa Diyos,At nagpalabas ka ng mga salita mula sa iyong bibig. 14  Ano ang taong mortal upang siya ay maging malinis,+O ang sinumang ipinanganak ng isang babae upang siya ang maging tama? 15  Narito! Sa kaniyang mga banal ay wala siyang tiwala,+At maging ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.+ 16  Lalo pa nga kapag ang isa ay karima-rimarim at tiwali,+Isang tao na umiinom ng kalikuan na parang tubig! 17  Ipahahayag ko iyon sa iyo. Makinig ka sa akin!+Ito man ay namasdan ko, kaya hayaan mong isaysay ko, 18  Yaong sinasabi ng marurunong+At hindi nila itinago, yamang iyon ay mula sa kanilang mga ama. 19  Sa kanila lamang ibinigay ang lupain,At walang taga-ibang bayan ang dumaan sa gitna nila. 20  Sa lahat ng kaniyang mga araw ang balakyot ay nagdurusa ng pahirap,Maging ang mismong bilang ng mga taon na itinaan para sa maniniil. 21  Ang ingay ng mga nakapanghihilakbot na bagay ay nasa kaniyang pandinig;Sa panahon ng kapayapaan ay isang mananamsam ang dumarating sa kaniya.+ 22  Hindi siya naniniwala na siya ay babalik pa mula sa kadiliman,+At siya ay nakataan para sa tabak. 23  Siya ay lumalaboy sa paghahanap ng tinapay—nasaan iyon?+Alam na alam niya na ang araw ng kadiliman+ ay handa na sa kaniyang kamay. 24  Kabagabagan at panggigipuspos ay laging sumisindak sa kaniya;+Pinananaigan siya ng mga iyon tulad ng isang hari na nakahanda sa pagsalakay. 25  Sapagkat iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Diyos,At laban sa Makapangyarihan-sa-lahat ay tinatangka niyang ipakitang nakahihigit siya;+ 26  Sapagkat tumatakbo siya laban sa kaniya nang may katigasan ng leeg,Taglay ang makakapal na umbok ng kaniyang mga kalasag; 27  Sa dahilang tinatakpan nga niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaanAt nagtitipon siya ng taba sa kaniyang mga balakang,+ 28  Siya ay tumatahan lamang sa mga lunsod na gigibain;Sa mga bahay na hindi laging tatahanan ng mga tao,Na tiyak na nakatalagang maging mga bunton ng mga bato. 29  Hindi siya yayaman at ang kaniyang yaman ay hindi darami,Ni palalaganapin man niya sa lupa ang pag-aari ng mga ito.+ 30  Hindi siya tatalikod mula sa kadiliman;Ang kaniyang sanga ay tutuyuin ng isang liyab,At siya ay malilihis sa isang buga ng Kaniyang bibig.+ 31  Huwag siyang manampalataya sa kawalang-kabuluhan, na naililigaw,Sapagkat kawalang-kabuluhan lamang ang makukuha niya bilang kapalit; 32  Bago pa ang kaniyang araw ay magaganap iyon.At ang kaniyang supang ay tiyak na hindi yayabong.+ 33  Ilalaglag niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng isang punong ubas,At lalagasin niya ang kaniyang mga bulaklak na gaya ng isang punong olibo. 34  Sapagkat ang kapulungan ng mga apostata ay baog,+At lalamunin ng apoy ang mga tolda ng panunuhol.+ 35  May paglilihi ng kabagabagan at pagsisilang niyaong nakasasakit,+At ang kanilang tiyan ay naghahanda ng panlilinlang.”

Talababa