Job 30:1-31
30 “At ngayon ay pinagtatawanan nila ako,+Niyaong mga nakababata sa mga araw kaysa sa akin,+Na ang kanilang mga ama ay tatanggihan koNa ilagay na kasama ng mga aso sa aking kawan.
2 Maging ang kalakasan ng kanilang mga kamay—ano ang silbi niyaon sa akin?Sa kanila ay naglaho ang sigla.+
3 Dahil sa kakapusan at gutom ay baog sila,Nginangatngat ang pook na walang tubig,+Kung saan kahapon ay may bagyo at pagkatiwangwang.
4 Pinipitas nila ang halamang asin sa tabi ng mga palumpong,At ang ugat ng mga punong retama ang kanilang pagkain.
5 Mula sa komunidad ay pinalalayas sila;+Sinisigawan sila ng mga tao na waring sila ay magnanakaw.
6 Kailangan nilang tumahan sa mismong dalisdis ng mga agusang libis,Sa mga butas sa alabok at sa malalaking bato.
7 Sa gitna ng mga palumpong ay sumisigaw sila;Sa ilalim ng mga kulitis ay nag-uumpukan sila.
8 Mga anak ng hangal,+ mga anak din ng isa na walang pangalan,Sila ay ipinagtatabuyan mula sa lupain.
9 At ako ngayon ay naging paksa pa man din ng kanilang awit,+At sa kanila ay naging isang bukambibig ako.+
10 Kinasusuklaman nila ako, lumalayo sila sa akin;+At mula sa aking mukha ay hindi nila pinipigilan ang kanilang dura.+
11 Sapagkat kinalag niya ang bagting ng aking busog at pinagpakumbaba ako,At ang renda ay iniwan nilang kalag dahil sa akin.
12 Sa aking kanan ay bumabangon sila bilang isang pulutong;Ang aking mga paa ay pinayayaon nila,Ngunit ibinunton nila laban sa akin ang kanilang mga kapaha-pahamak na halang.+
13 Giniba nila ang aking mga landas;Sila ay kapaki-pakinabang lamang ukol sa kapighatian ko,+Kahit wala silang sinumang katulong.
14 Dumarating sila na waring galing sa isang malaking puwang;Sa gitna ng bagyo ay gumugulong sila.
15 Mga biglaang kakilabutan ay ibinaling sa akin;Ang maringal kong tindig ay itinataboy na gaya ng hangin,At tulad ng isang ulap ay naparam ang aking kaligtasan.
16 At ngayon ay nabubuhos ang aking kaluluwa sa loob ko;+Ang mga araw ng kapighatian+ ay humawak sa akin.
17 Sa gabi ang aking mga buto+ ay binabarena at naglalaglagan mula sa akin,At ang mga kirot na ngumangatngat sa akin ay hindi nagpapahinga.+
18 Dahil sa matinding kalakasan ay nababago ang aking kasuutan;Tulad ng kuwelyo ng aking mahabang kasuutan ay nakabigkis iyon sa akin.
19 Ibinababa niya ako sa luwad,Kung kaya ako ay nagiging tulad ng alabok at ng abo.
20 Humihingi ako sa iyo ng tulong, ngunit hindi mo ako sinasagot;+Ako ay tumayo, upang bigyang-pansin mo ako.
21 Ikaw ay nagbabago upang magmalupit sa akin;+Taglay ang buong kalakasan ng iyong kamay ay nagkikimkim ka ng matinding poot sa akin.
22 Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakyan mo iyon sa akin;Pagkatapos ay tinutunaw mo ako sa isang dagundong.
23 Sapagkat alam na alam ko na ibabalik mo ako sa kamatayan,+At sa bahay ng kapisanan para sa lahat ng nabubuhay.
24 Lamang ay walang sinumang nag-uunat ng kaniyang kamay laban sa isa lamang bunton ng mga guho,+Ni sa panahon man ng panghihina ng isa ay may paghingi ng tulong may kaugnayan sa mga bagay na iyon.
25 Tunay na ako ay tumatangis para sa isa na nahihirapan sa maghapon;+Ang aking kaluluwa ay namimighati para sa dukha.+
26 Bagaman kabutihan ang hinihintay ko, gayunma’y kasamaan ang dumarating;+At patuloy kong hinihintay ang liwanag, ngunit karimlan ang dumarating.
27 Ang aking mga bituka ay kumukulo at hindi tumatahimik;Mga araw ng kapighatian ang sumalubong sa akin.
28 Malungkot+ akong gumala-gala nang walang liwanag ng araw;Tumindig ako sa kongregasyon, patuloy akong humihingi ng tulong.
29 Ako ay naging kapatid ng mga chakal,At kasamahan ng mga anak na babae ng avestruz.+
30 Ang akin mismong balat ay nangitim+ at nabakbak mula sa akin,At ang akin mismong mga buto ay nag-init dahil sa pagkatuyo.
31 At ang aking alpa ay naging para lamang sa pagdadalamhati,At ang aking pipa ay para sa tinig ng mga tumatangis.