Job 24:1-25

24  “Bakit ba ang mga panahon ay hindi inimbak ng Makapangyarihan-sa-lahat,+At ang mismong mga nakakakilala sa kaniya ay hindi nakakita ng kaniyang mga araw?+   May mga nag-uurong ng mga muhon;+Isang kawan ang kanilang inagaw, upang mapastulan nila iyon.   Itinataboy nila maging ang lalaking asno ng mga batang lalaking walang ama;Inaagaw nila ang toro ng babaing balo bilang panagot.+   Inililihis nila ang mga dukha mula sa daan;+Kasabay nito ay nagtatago ang mga napipighati sa lupa.   Narito! Gaya ng mga sebra+ sa ilangHumayo sila sa kanilang gawain, naghahanap ng pagkain.Ang disyertong kapatagan ay nagbibigay sa bawat isa ng tinapay para sa mga batang lalaki.   Sa bukid ay inaani nila ang kumpay nito,At ang ubasan ng balakyot ay sinasamsaman nila nang madalian.   Hubad silang nagpapalipas ng gabi nang walang kasuutan,+At walang anumang pantakip para sa ginaw.+   Mula sa maulang bagyo sa mga bundok ay nababasâ sila,At dahil sa walang silungan+ ay kailangan nilang yumakap sa bato.   Inaagaw nila ang batang lalaking walang ama mula nga sa suso,+At yaong taglay ng napipighati ay kinukuha nila bilang panagot.+ 10  Hubad silang gagala nang walang kasuutan,At gutóm nilang dadalhin ang mga ginapas na uhay.+ 11  Sa pagitan ng mga pader ng hagdan-hagdang lupain ay nagpapalipas sila ng katanghalian;Sa mga pisaan ng ubas ay kailangan nilang magpisa, at gayunma’y nauuhaw sila.+ 12  Mula sa lunsod ay patuloy na dumaraing ang mga namamatay,At ang kaluluwa ng mga nasugatan ng ikamamatay ay humihingi ng tulong;+At hindi itinuturing ng Diyos na iyon ay di-wasto.+ 13  Kung tungkol sa kanila, sila ay kasama ng mga mapaghimagsik laban sa liwanag;+Hindi nila nakilala ang mga daan nito,At hindi sila nanahanan sa mga landas nito. 14  Sa araw ay bumabangon ang mamamaslang,Pinapatay niya ang napipighati at ang dukha;+At sa gabi ay nagiging karaniwang magnanakaw+ siya. 15  Kung tungkol sa mata ng mangangalunya,+ hinihintay nito ang kadiliman ng gabi,+Na sinasabi, ‘Walang matang makakakita sa akin!’+At sa kaniyang mukha ay naglalagay siya ng pantakip. 16  Sa kadiliman ay humukay siya patungo sa mga bahay;Kung araw ay nagkukulong sila.Hindi nila nalalaman ang liwanag.+ 17  Sapagkat ang umaga ay gaya rin ng matinding karimlan+ para sa kanila,Sapagkat nakikilala nila ang mga biglaang kakilabutan ng matinding karimlan. 18  Siya ay matulin sa ibabaw ng tubig.Ang kanilang lupain ay susumpain sa lupa.+Hindi siya liliko sa daan ng mga ubasan. 19  Ang tagtuyot, gayundin ang init, ay umaagaw sa tubig ng niyebe;Gayundin ang Sheol sa mga nagkasala!+ 20  Lilimutin siya ng bahay-bata, buong-tamis siyang sisipsipin ng uod,+Hindi na siya aalalahanin pa.+At ang kalikuan ay mababaling tulad ng isang punungkahoy.+ 21  Siya ay nakikipag-ugnayan sa isang babaing baog na hindi nanganganak,At sa isang babaing balo,+ na hindi niya nagagawan ng mabuti. 22  At tiyak na ilalayo niya ang malalakas na tao sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan;Siya ay babangon at hindi makatitiyak sa kaniyang buhay. 23  Ipagkakaloob niya sa kaniya na maging panatag+ upang maalalayan niya ang kaniyang sarili;At ang kaniyang mga mata ay sasakanilang mga lakad.+ 24  Sila ay naging mataas nang kaunting panahon, pagkatapos ay wala na sila,+At sila ay ibinaba;+ tulad ng lahat ng iba pa ay pinuputol sila,At tulad ng ulo ng uhay ng butil ay kinikitil sila. 25  Kaya ngayon nga, sino ang magpapatunay na ako ay sinungalingO magpapawalang-kabuluhan sa aking salita?”

Talababa