Job 37:1-24
37 “Dahil nga rito ay nagsisimulang manginig ang aking puso,+At iyon ay lumulukso mula sa kinaroroonan nito.
2 Makinig kayong mabuti sa dagundong ng kaniyang tinig,+At sa ungol na lumalabas sa kaniyang bibig.
3 Sa silong ng buong langit ay pinawawalan niya ito,At ang kaniyang kidlat+ ay hanggang sa mga dulo ng lupa.
4 Kasunod nito ay may ugong na dumadagundong;Pinakukulog+ niya ang ugong ng kaniyang kadakilaan,+At hindi niya pinipigilan ang mga iyon kapag naririnig ang kaniyang tinig.+
5 Pinakukulog ng Diyos ang kaniyang tinig+ sa kamangha-manghang paraan,Gumagawa ng mga dakilang bagay na hindi natin matatalastas.+
6 Sapagkat sa niyebe ay sinasabi niya, ‘Lumagpak ka sa lupa,’+At sa buhos ng ulan, sa buhos nga ng kaniyang malalakas na ulan.+
7 Ang kamay ng bawat makalupang tao ay tinatatakan niyaUpang malaman ng bawat taong mortal ang kaniyang gawa.
8 At dumarating ang mabangis na hayop sa pagtambang,At tumatahan ito sa mga taguang dako nito.+
9 Dumarating ang bagyong hangin mula sa loobang silid+At ang lamig mula sa mga hanging hilaga.+
10 Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos ay ibinibigay ang yelo+At ang lawak ng tubig ay napipigilan.+
11 Oo, pinabibigatan niya ng halumigmig ang ulap,Pinangangalat ng kaniyang liwanag+ ang kaulapan,
12 At ipinipihit iyon sa palibot kapag inuugitan niya sa kanilang pagkilosSaanman niya utusan+ ang mga iyon sa ibabaw ng mabungang lupain ng lupa.
13 Maging ukol sa pamalo+ o ukol sa kaniyang lupain+O ukol sa maibiging-kabaitan,+ pinapangyayari niyang iyon ay magkabisa.
14 Dinggin mo ito, O Job;Tumigil ka at magbigay-pansin ka sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos.+
15 Alam mo ba kung kailan itinalaga ng Diyos ang mga iyon,+At kung kailan niya pinasikat ang liwanag ng kaniyang ulap?
16 Alam mo ba ang tungkol sa pagkakabitin ng ulap,+Ang mga kamangha-manghang gawa ng Isa na sakdal sa kaalaman?+
17 Kung paanong ang iyong mga kasuutan ay mainitKapag ang lupa ay kakikitaan ng katahimikan mula sa timog?+
18 Mapupukpok mo bang kasama niya ang kalangitan+Na sintigas ng salaming binubo?
19 Ipaalam mo sa amin kung ano ang dapat naming sabihin sa kaniya;Hindi kami makapag-ayos ng mga salita dahil sa kadiliman.
20 Dapat bang saysayin sa kaniya na ako ay magsasalita?O may tao bang nagsabi anupat iyon ay ipatatalastas?+
21 At ngayon ay talagang hindi nila nakikita ang liwanag;Iyon ay maningning sa kalangitan,Kapag may hanging dumaan at nilinis nito ang mga iyon.
22 Mula sa hilaga ay nanggagaling ang ginintuang karilagan.Sa Diyos ang karingalan+ ay kakila-kilabot.
23 Kung tungkol sa Makapangyarihan-sa-lahat, hindi pa natin siya nasasaliksik;+Siya ay dakila sa kapangyarihan,+At ang katarungan+ at ang saganang katuwiran+ ay hindi niya mamaliitin.+
24 Kaya nga katakutan nawa siya ng mga tao.+Hindi niya pinahahalagahan ang sinumang marunong ayon sa kanilang sariling puso.”+