Job 7:1-21
7 “Hindi ba may sapilitang pagpapagal+ para sa taong mortal sa lupa,At hindi ba ang kaniyang mga araw ay tulad ng mga araw ng isang upahang trabahador?+
2 Tulad ng isang alipin ay masidhi niyang ninanasa ang lilim,+At tulad ng isang upahang trabahador ay hinihintay niya ang kaniyang kabayaran.+
3 Sa gayon ay pinagmay-ari ako ng mga walang-kabuluhang buwang lunar,+At binilangan nila ako ng mga gabing mabagabag.+
4 Kapag nakahiga na ako ay sinasabi ko rin, ‘Kailan ako babangon?’+At kapag ang gabi ay nakaabot na sa kasukdulan nito, ako rin ay nalilipos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang-liwayway.
5 Ang aking laman ay naramtan ng mga uod+ at ng mga limpak ng alabok;+Ang balat ko ay naglangib at nalulusaw.+
6 Ang mga araw ko ay naging mas matulin+ kaysa sa lansadera ng manghahabi,At ang mga iyon ay nagwawakas sa kawalang-pag-asa.+
7 Alalahanin na ang aking buhay ay hangin;+Na ang aking mata ay hindi na muling makakakita ng mabuti.
8 Ang mata niya na nakakakita sa akin ay hindi ako mamamasdan;Ang iyong mga mata ay sasaakin, ngunit ako ay wala na.+
9 Ang ulap nga ay napapawi at umaalis;Kaya siyang bumababa sa Sheol ay hindi aahon.+
10 Hindi na siya babalik pa sa kaniyang bahay,At hindi na siya kikilalanin pa ng kaniyang dako.+
11 Ako rin, hindi ko pipigilan ang aking bibig.Ako ay magsasalita sa kabagabagan ng aking espiritu;Ako ay mababahala dahil sa kapaitan ng aking kaluluwa!+
12 Ako ba ay isang dagat o isang dambuhalang hayop-dagat,Anupat kailangan mong maglagay ng bantay+ sa akin?
13 Nang sabihin ko, ‘Aaliwin ako ng aking kama,Tutulungan ako ng aking higaan na pasanin ang aking pagkabahala,’
14 Sinindak mo pa man din ako ng mga panaginip,At sa mga pangitain ay ginugulat mo ako sa pagkatakot,
15 Kung kaya pinipili ng aking kaluluwa ang pangangapos ng hininga,Ang kamatayan+ sa halip na ang aking mga buto.
16 Itinakwil ko iyon;+ hanggang sa panahong walang takda ay hindi ako mabubuhay.Lubayan mo ako, sapagkat ang aking mga araw ay isang singaw.+
17 Ano ang taong mortal+ anupat aarugain mo siya,At na itutuon mo ang iyong puso sa kaniya,
18 At na papansinin mo siya tuwing umaga,Anupat sa bawat sandali ay susubukin mo siya?+
19 Bakit hindi mo alisin sa akin ang iyong pagkakatitig,+Ni pabayaan man ako hanggang sa malulon ko ang aking laway?
20 Kung ako ay nagkasala, ano ang magagawa ko laban sa iyo, ang Tagapagmasid ng sangkatauhan?+Bakit mo nga ako inilagay na tudlaan mo, anupat ako ay naging pasanin sa iyo?
21 At bakit hindi mo pinagpapaumanhinan ang aking pagsalansang+At pinalalampas ang aking kamalian?Sapagkat ngayon ay hihiga ako sa alabok;+At tiyak na hahanapin mo ako, at ako ay wala na.”