Apocalipsis 3:1-22
3 “At sa anghel+ ng kongregasyon sa Sardis ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi niya na may pitong espiritu+ ng Diyos at pitong bituin,+ ‘Alam ko ang iyong mga gawa, na taglay mo ang pangalan na ikaw ay buháy, ngunit ikaw ay patay.+
2 Maging mapagbantay ka,+ at palakasin+ mo ang mga bagay na nalalabi na malapit nang mamatay, sapagkat ang iyong mga gawa ay hindi ko nasumpungang lubusang naisagawa sa harap ng aking Diyos.+
3 Kung gayon, patuloy mong isaisip kung paano mo tinanggap+ at kung paano mo narinig, at patuloy mong tuparin ito,+ at magsisi ka.+ Tiyak nga na malibang gumising ka,+ darating ako na gaya ng magnanakaw,+ at hindi mo na malalaman pa kung anong oras ako darating sa iyo.+
4 “ ‘Gayunpaman, mayroon kang ilang pangalan+ sa Sardis na hindi nagparungis+ ng kanilang mga panlabas na kasuutan, at lalakad silang kasama ko na nakaputi,+ sapagkat sila ay karapat-dapat.+
5 Siya na nananaig+ ay gayon magagayakan ng mga puting panlabas na kasuutan;+ at hindi ko sa anumang paraan papawiin ang kaniyang pangalan mula sa aklat ng buhay,+ kundi kikilalanin ko ang kaniyang pangalan sa harap ng aking Ama+ at sa harap ng kaniyang mga anghel.+
6 Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu+ sa mga kongregasyon.’
7 “At sa anghel+ ng kongregasyon sa Filadelfia ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi niya na banal,+ na siyang totoo,+ na may taglay ng susi ni David,+ na siyang nagbubukas anupat walang sinumang makapagsasara, at nagsasara anupat walang sinumang makapagbubukas,
8 ‘Alam ko ang iyong mga gawa+—narito! naglagay ako sa harap mo ng isang bukás na pinto,+ na walang sinumang makapagsasara—na mayroon kang kaunting kapangyarihan, at iningatan mo ang aking salita at hindi nagbulaan sa aking pangalan.+
9 Narito! Ibibigay ko yaong mga mula sa sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila ay mga Judio,+ at gayunma’y hindi sila gayon kundi nagsisinungaling+—narito! papupuntahin ko sila at pangangayupapain+ sa harap ng iyong mga paa at ipaaalam sa kanila na inibig kita.
10 Sapagkat iningatan mo ang salita tungkol sa aking pagbabata,+ iingatan+ din kita mula sa oras ng pagsubok, na darating sa buong tinatahanang lupa, upang maglagay ng pagsubok sa mga tumatahan sa lupa.+
11 Ako ay dumarating nang madali.+ Patuloy mong panghawakang mahigpit ang iyong taglay,+ upang walang sinumang kumuha ng iyong korona.+
12 “ ‘Ang nananaig—gagawin ko siyang isang haligi+ sa templo+ ng aking Diyos,+ at hindi na siya lalabas pa mula roon, at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem+ na bumababa mula sa langit mula sa aking Diyos, at ang bagong pangalan kong iyon.+
13 Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu+ sa mga kongregasyon.’
14 “At sa anghel ng kongregasyon sa Laodicea+ ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi ng Amen,+ ang saksing+ tapat+ at totoo,+ ang pasimula ng paglalang ng Diyos,+
15 ‘Alam ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig ni mainit man. Nais ko sanang ikaw ay malamig o kaya ay mainit.
16 Kaya, dahil sa ikaw ay malahininga at hindi mainit+ ni malamig man,+ isusuka kita mula sa aking bibig.
17 Sapagkat sinasabi mo: “Ako ay mayaman+ at nakapagtamo ng mga kayamanan at hindi na nangangailangan ng anuman,” ngunit hindi mo alam na ikaw ay miserable at kahabag-habag at dukha at bulag+ at hubad,
18 ipinapayo ko sa iyo na bumili ka sa akin ng gintong+ dinalisay ng apoy upang yumaman ka, at ng mga puting panlabas na kasuutan upang maramtan ka at upang ang kahihiyan ng iyong kahubaran ay hindi mahayag,+ at ng pamahid sa mata na ipapahid sa iyong mga mata+ upang makakita ka.
19 “ ‘Ang lahat ng mga minamahal ko ay aking sinasaway at dinidisiplina.+ Kaya nga maging masigasig ka at magsisi.+
20 Narito! Ako ay nakatayo sa pintuan+ at kumakatok. Kung ang sinuman ay makarinig ng aking tinig at magbukas ng pinto,+ ako ay papasok sa kaniyang bahay at maghahapunang kasama niya at siya kasama ko.
21 Ang isa na nananaig+ ay pagkakalooban ko na umupong kasama ko sa aking trono,+ kung paanong ako ay nanaig at umupong+ kasama ng aking Ama sa kaniyang trono.+
22 Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu+ sa mga kongregasyon.’ ”+