2 Hari 19:1-37
19 At nangyari nga, nang marinig iyon ni Haring Hezekias,+ kaagad niyang hinapak ang kaniyang mga kasuutan+ at nagdamit ng telang-sako+ at pumasok sa bahay ni Jehova.+
2 Bukod diyan, si Eliakim,+ na namamahala sa sambahayan, at si Sebnah+ na kalihim at ang matatandang lalaki ng mga saserdote ay kaniyang isinugo na nadaramtan ng telang-sako kay Isaias+ na propeta na anak ni Amoz.+
3 At sinabi nila sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Hezekias, ‘Ang araw na ito ay isang araw ng kabagabagan+ at ng pagsaway+ at ng walang-pakundangang panlilibak;+ sapagkat ang mga anak ay nakarating na hanggang sa bukana ng bahay-bata,+ at walang lakas na magsilang.+
4 Marahil ay maririnig+ ni Jehova na iyong Diyos ang lahat ng salita ni Rabsases, na isinugo ng hari ng Asirya na kaniyang panginoon upang tuyain+ ang Diyos na buháy, at kaniya ngang pagsusulitin siya dahil sa mga salita na narinig ni Jehova na iyong Diyos.+ At magpailanlang ka ng panalangin+ alang-alang sa mga nalabi+ na masusumpungan.’ ”
5 Kaya ang mga lingkod ni Haring Hezekias ay pumaroon kay Isaias.+
6 At sinabi ni Isaias sa kanila: “Ito ang dapat ninyong sabihin sa inyong panginoon, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:+ “Huwag kang matakot+ dahil sa mga salita na narinig mong sinalita nang may pang-aabuso ng mga tagapaglingkod ng hari ng Asirya tungkol sa akin.+
7 Narito, maglalagay ako sa kaniya ng isang espiritu,+ at siya ay makaririnig ng isang ulat+ at babalik sa kaniyang sariling lupain; at ipabubuwal ko nga siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.” ’ ”+
8 Pagkatapos ay bumalik si Rabsases+ at nasumpungan ang hari ng Asirya na nakikipagbaka laban sa Libna;+ sapagkat narinig niya na nilisan na nito ang Lakis.+
9 Narinig niyang sinabi may kaugnayan kay Tirhaka na hari ng Etiopia: “Narito, lumabas siya upang makipagbaka laban sa iyo.” Nang magkagayon ay muli siyang nagsugo ng mga mensahero+ kay Hezekias, na nagsasabi:
10 “Ito ang dapat ninyong sabihin kay Hezekias na hari ng Juda, ‘Huwag kang magpalinlang sa iyong Diyos na pinagtitiwalaan mo,+ na nagsasabi: “Ang Jerusalem+ ay hindi ibibigay sa kamay ng hari ng Asirya.”+
11 Narito! Narinig mo mismo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asirya sa lahat ng mga lupain nang italaga sila sa pagkapuksa;+ at ikaw ba ay maliligtas?+
12 Nailigtas ba sila ng mga diyos+ ng mga bansa na winasak ng aking mga ninuno, maging ang Gozan+ at ang Haran+ at ang Rezep at ang mga anak ng Eden+ na nasa Tel-asar?+
13 Nasaan siya—ang hari ng Hamat+ at ang hari ng Arpad+ at ang hari ng mga lunsod ng Separvaim, Hena at Iva?’ ”+
14 Sa gayon ay kinuha ni Hezekias ang mga liham mula sa kamay ng mga mensahero at binasa ang mga iyon,+ pagkatapos ay umahon si Hezekias sa bahay ni Jehova at inilatag iyon sa harap ni Jehova.+
15 At si Hezekias ay nagsimulang manalangin+ sa harap ni Jehova at magsabi: “O Jehova na Diyos ng Israel,+ na nakaupo sa mga kerubin,+ ikaw lamang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian+ sa lupa.+ Ikaw ang gumawa ng langit+ at ng lupa.+
16 Ikiling mo ang iyong pandinig, O Jehova, at pakinggan mo.+ Idilat mo ang iyong mga mata,+ O Jehova, at tingnan mo, at pakinggan mo ang mga salita ni Senakerib na ipinasabi niya upang tuyain+ ang Diyos na buháy.
17 Katotohanan nga, O Jehova, winasak ng mga hari ng Asirya ang mga bansa at ang kanilang lupain.+
18 At ang kanilang mga diyos ay inihagis nila sa apoy, sapagkat ang mga iyon ay hindi mga diyos,+ kundi gawa ng mga kamay ng tao,+ kahoy at bato; anupat sinira nila ang mga iyon.
19 At ngayon, O Jehova na aming Diyos,+ iligtas mo kami,+ pakisuyo, mula sa kaniyang kamay, upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw, O Jehova, ang tanging Diyos.”+
20 At si Isaias na anak ni Amoz ay nagsugo kay Hezekias, na sinasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel,+ ‘Ang idinalangin+ mo sa akin may kinalaman kay Senakerib na hari ng Asirya ay narinig ko.+
21 Ito ang salita na sinalita ni Jehova laban sa kaniya:“Hinamak ka ng anak na dalaga ng Sion,+ inalipusta ka niya.+Sa likuran mo ay iniling ng anak na babae ng Jerusalem+ ang kaniyang ulo.+
22 Sino ang tinuya+ mo at pinagsalitaan nang may pang-aabuso?+At laban kanino mo inilakas ang iyong tinig+At itinitingin mo ang iyong mga mata sa kaitaasan?+Laban nga sa Banal ng Israel!+
23 Sa pamamagitan ng iyong mga mensahero+ ay tinuya mo si Jehova at sinasabi mo,+‘Taglay ang karamihan ng aking mga karong pandigma ako mismo+—Ako nga ay aakyat sa kaitaasan ng mga bulubunduking pook,+Sa pinakamalalayong bahagi ng Lebanon;+At puputulin ko ang matatayog na sedro nito,+ ang mga pilingpuno ng enebro nito.+At papasukin ko ang huling dakong tuluyan nito, ang kagubatan ng taniman nito.+
24 Ako nga ay huhukay at iinom ng kakaibang tubig,At tutuyuin ko ng mga talampakan ng aking mga paa ang lahat ng kanal ng Nilo sa Ehipto.’+
25 Hindi mo ba narinig?+ Mula noong malaon nang mga panahon ay iyon nga ang gagawin ko.+Mula noong mga araw na nakalipas ay inanyuan ko na iyon.+Ngayon ay pangyayarihin ko iyon.+At ikaw ay magiging tagapagtiwangwang ng mga nakukutaang lunsod na gaya ng mga bunton ng pagkaguho.+
26 At ang mga tumatahan sa kanila ay mawawalan ng lakas;+Sila ay talagang masisindak at mapapahiya.+Sila ay magiging gaya ng pananim sa parang at ng luntiang murang damo,+Damo sa mga bubong,+ kapag may pagkasunog sa harap ng hanging silangan.+
27 At ang iyong pag-upong tahimik at ang iyong paglabas+ at ang iyong pagpasok ay nalalaman kong lubos,+At ang iyong pagpapakabagabag laban sa akin,+
28 Sapagkat ang iyong pagpapakabagabag laban sa akin+ at ang iyong pag-ungal ay umabot sa aking pandinig.+At ilalagay ko nga ang aking pangawit sa iyong ilong at ang aking renda sa pagitan ng iyong mga labi,+At dadalhin nga kitang pabalik sa daan na iyong pinanggalingan.”+
29 “ ‘At ito ang magiging tanda para sa iyo:+ Kakainin sa taóng ito ang sumibol mula sa mga natapong butil,+ at sa ikalawang taon ay ang butil na tumutubo sa ganang sarili; ngunit sa ikatlong taon ay maghasik kayo ng binhi+ at gumapas at magtanim kayo ng mga ubasan at kainin ninyo ang bunga ng mga iyon.+
30 At yaong mga makatatakas na mula sa sambahayan ni Juda, yaong mga naiwan,+ ay tiyak na mag-uugat nang pababa at magluluwal ng bunga nang paitaas.+
31 Sapagkat mula sa Jerusalem ay may nalabing yayaon,+ at yaong mga makatatakas mula sa Bundok Sion.+ Ang mismong sigasig+ ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito.
32 “ ‘Kaya naman ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa hari ng Asirya:+ “Hindi siya papasok sa lunsod+ na ito ni magpapahilagpos man siya roon ng palaso+ ni haharapin man iyon nang may kalasag ni magtitindig man ng muralyang pangubkob+ laban doon.
33 Sa daan na kaniyang pinanggalingan, siya ay babalik, at sa lunsod na ito ay hindi siya papasok, ang sabi ni Jehova.+
34 At tiyak na ipagtatanggol+ ko ang lunsod na ito upang iligtas ito alang-alang sa akin+ at alang-alang kay David na aking lingkod.” ’ ”+
35 At nangyari nang gabing iyon, ang anghel ni Jehova ay lumabas at sinaktan ang isang daan at walumpu’t limang libo sa kampo+ ng mga Asiryano.+ Nang ang mga tao ay maagang bumangon sa kinaumagahan, aba, narito, ang lahat ng mga ito ay patay na mga bangkay.+
36 Sa gayon si Senakerib+ na hari ng Asirya ay lumisan at yumaon at bumalik,+ at nanahanan siya sa Nineve.+
37 At nangyari nga na habang yumuyukod siya sa bahay ni Nisroc+ na kaniyang diyos,+ siya ay pinatay ni Adramelec at Sarezer, na kaniyang mga anak, sa pamamagitan ng tabak,+ at sila ay tumakas patungo sa lupain ng Ararat.+ At si Esar-hadon+ na kaniyang anak ay nagsimulang maghari bilang kahalili niya.