Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAHON 4A

“Pinapanood Ko ang Buháy na mga Nilalang”

“Pinapanood Ko ang Buháy na mga Nilalang”

Tiyak na nakakita si Ezekiel ng higanteng mga estatuwa ng toro at leon na may pakpak at ulo ng tao na nagsisilbing bantay sa harap ng mga palasyo at templo. Ang ganitong mga estatuwa ay makikita sa sinaunang Asirya at Babilonia. Gaya ng lahat ng nakakakita rito, malamang na napatitig si Ezekiel sa nakakatakot na mga estatuwang ito, na ang ilan ay halos anim na metro ang taas. Pero kahit mukhang makapangyarihan, walang buhay ang mga ito at inukit lang mula sa bato.

Sa kabaligtaran, ang nakita ni Ezekiel sa pangitain ay “buháy na mga nilalang.” Napakalaki ngang pagkakaiba! Malaki ang epekto nito kay Ezekiel kung kaya binanggit niya ang “buháy na mga nilalang” nang di-bababa sa 10 beses sa pasimula ng hula niya. (Ezek. 1:5-22) Nang makita ni Ezekiel ang apat na buháy na nilalang na nagkakaisang kumikilos sa ilalim ng trono ng Diyos, malamang na naidiin sa kaniya na talagang nasa ilalim ng pangangasiwa ni Jehova ang lahat ng nilalang. Dahil sa pangitaing iyan, namamangha rin tayo sa kadakilaan at kalakasan ni Jehova at sa karingalan ng kaniyang soberanya.​—1 Cro. 29:11.