Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAHON 2A

Unawain ang mga Hula ni Ezekiel

Unawain ang mga Hula ni Ezekiel

ANO BA ANG ISANG HULA?

Sa Bibliya, ang pandiwang Hebreo na na·vaʼʹ, na isinaling “humula,” ay pangunahin nang tumutukoy sa paghahayag ng isang mensahe, hatol, aral, o utos mula sa Diyos. Puwede rin itong tumukoy sa paghahayag ng isang bagay na mangyayari. Makikita sa mga hula ni Ezekiel ang lahat ng ito.​—Ezek. 3:10, 11; 11:4-8; 14:6, 7; 37:9, 10; 38:1-4.

PARAAN NG PAGHAHAYAG

  • PANGITAIN

  • ILUSTRASYON

  • PAGSASADULA

Ang aklat ng Ezekiel ay may mga pangitain, ilustrasyon, talinghaga, at pagsasadula ng mga hula.

KATUPARAN

Kung minsan, hindi lang isa ang katuparan ng mga inihula ni Ezekiel. Halimbawa, ang mga hula tungkol sa pagbabalik ng dalisay na pagsamba ay unang natupad nang bumalik ang bayan ng Diyos sa Lupang Pangako. Pero gaya ng tatalakayin sa Kabanata 9, marami sa mga hulang iyon ay may katuparan din sa ngayon at sa hinaharap.

Noon, sinasabi natin na ang ilang bahagi ng mga hula ni Ezekiel ay may tipiko at antitipikong katuparan. Pero sa publikasyong ito, iniwasang tukuyin ang isang tao, bagay, lugar, o pangyayari bilang tipiko na may modernong antitipikong katumbas maliban na lang kung may malinaw na batayan sa Bibliya. a Sa halip, ipapakita nito ang mas malaking katuparan ng marami sa mga hula ni Ezekiel. Tatalakayin din nito ang mga aral mula sa mensahe ni Ezekiel, pati na sa mga tao, lugar, at pangyayaring binanggit niya.

a Para sa higit pang impormasyon tungkol sa tipiko at antitipiko, tingnan ang Bantayan, Marso 15, 2015, p. 9-11, par. 7-12; at “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa,” p. 17-18 sa isyu ring iyon.