Bakit Dapat Magbigay sa Nagmamay-ari ng Lahat ng Bagay?
“O aming Diyos, nagpapasalamat kami sa iyo at pinupuri namin ang iyong magandang pangalan.”—1 CRO. 29:13.
1, 2. Paano ipinakita ni Jehova ang kaniyang pagkabukas-palad?
SI Jehova ay isang bukas-palad na Diyos. Lahat ng mayroon tayo ay galing sa kaniya. Si Jehova ang nagmamay-ari ng lahat ng ginto at pilak, pati na ng lahat ng iba pang likas na yaman sa lupa, at ginagamit niya ang mga ito para tustusan ang buhay dito. (Awit 104:13-15; Hag. 2:8) Naglalaman ang Bibliya ng mga ulat kung paano ginamit ni Jehova ang mga ito sa makahimalang paraan para paglaanan ang kaniyang bayan.
2 Halimbawa, sa loob ng 40 taon, naglaan si Jehova ng manna at tubig para sa bansang Israel noong nasa ilang sila. (Ex. 16:35) Kaya naman, “hindi sila nagkulang ng anuman.” (Neh. 9:20, 21) Sa pamamagitan ni propeta Eliseo, makahimalang pinarami ni Jehova ang kaunting langis ng isang tapat na biyuda. Dahil dito, nabayaran ng babae ang kaniyang mga utang at nagkaroon siya nang sapat na pera para makaraos sila ng kaniyang mga anak. (2 Hari 4:1-7) Sa tulong din ni Jehova, makahimalang nakapaglaan si Jesus ng pagkain at maging ng pera kapag may pangangailangan.—Mat. 15:35-38; 17:27.
3. Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
3 Kayang-kayang ilaan ni Jehova ang anumang pangangailangan Ex. 36:3-7; basahin ang Kawikaan 3:9.) Bakit inaasahan ni Jehova na gagamitin natin ang ating mahahalagang pag-aari para magbigay sa kaniya? Paano sinuportahan sa pinansiyal ng tapat na mga lingkod noon ang gawain ng mga kinatawan ni Jehova? Paano ginagamit ng organisasyon ang mga donasyon ngayon? Tatalakayin sa artikulong ito ang sagot sa mga tanong na iyan.
ng kaniyang mga nilalang sa lupa. Pero inaanyayahan pa rin niya ang kaniyang mga lingkod na gamitin ang kanilang materyal na mga pag-aari para suportahan ang gawain ng kaniyang organisasyon. (KUNG BAKIT TAYO NAGBIBIGAY KAY JEHOVA
4. Ano ang ipinakikita natin kay Jehova kapag sinusuportahan natin ang kaniyang gawain?
4 Nagbibigay tayo kay Jehova dahil mahal natin siya at pinahahalagahan. Talagang napakikilos tayo kapag binubulay-bulay natin ang lahat ng ginawa ni Jehova para sa atin. Noong ipinaliliwanag ni Haring David ang mga kakailanganin sa pagtatayo ng templo, kinilala niya na ang lahat ng tinatanggap natin ay galing kay Jehova at ang anumang ibinibigay natin kay Jehova ay nagmula rin sa kaniya.—Basahin ang 1 Cronica 29:11-14.
5. Paano ipinakikita ng Kasulatan na ang pagbibigay ay isang mahalagang bahagi ng tunay na pagsamba?
5 Ang ating pagbibigay ay isang paraan din para sambahin si Jehova. Sa isang pangitain, narinig ni apostol Juan ang mga lingkod ni Jehova sa langit na nagsasabi: “Ikaw ang karapat-dapat, Jehova, na Diyos nga namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan, sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa iyong kalooban ay umiral sila at nalalang.” (Apoc. 4:11) Hindi ka ba sasang-ayon na karapat-dapat si Jehova sa lahat ng kaluwalhatian at karangalang maibibigay natin sa kaniya? Magagawa natin ito kung ihahandog natin ang pinakamabuting maibibigay natin. Sa pamamagitan ni Moises, iniutos ni Jehova sa bansang Israel na magdaos ng tatlong taunang kapistahan. Sa mga kapistahang iyon, bahagi ng kanilang pagsamba ang pagbibigay. Hindi sila “haharap kay Jehova nang walang dala.” (Deut. 16:16) Sa katulad na paraan, ang ating kusang-loob na pagbibigay bilang pagpapahalaga at pagsuporta sa gawain ng makalupang bahagi ng organisasyon ni Jehova ay isang mahalagang bahagi ng ating pagsamba.
6. Bakit makabubuti sa atin ang pagbibigay? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
6 Makabubuti sa atin ang pagiging mapagbigay at hindi lang tanggap nang tanggap. (Basahin ang Kawikaan 29:21.) Isipin ang isang batang nagreregalo sa kaniyang mga magulang. Binili ng bata ang regalo mula sa kaunting perang ibinigay ng mga magulang niya. Siguradong tuwang-tuwa ang mga magulang! Isipin din ang isang kabataang payunir na nakatira sa poder ng kaniyang mga magulang. Nag-aabot siya ng pera para tumulong sa mga gastusin sa bahay. Hindi siya inoobliga ng mga magulang niya, pero tinatanggap nila ito dahil paraan ito para masuklian ng kanilang anak ang ginagawa nila para sa kaniya. Sa katulad na paraan, alam ni Jehova na makabubuti sa atin kung magbibigay tayo mula sa mahahalagang pag-aari natin.
PAGBIBIGAY NOONG PANAHON NG BIBLIYA
7, 8. Noong panahon ng Bibliya, paano nagpakita ng halimbawa ang bayan ng Diyos sa pag-aabuloy (a) para sa espesipikong mga proyekto? (b) bilang pangkalahatang tulong sa gawain?
7 Sa Bibliya, makikita natin na ang mga lingkod ng Diyos ay nagbibigay mula sa kanilang sariling pag-aari. Kung minsan, nag-aabuloy ang bayan ni Jehova para sa espesipikong mga proyekto. Halimbawa, nanawagan si Moises sa mga Israelita na mag-abuloy para sa pagtatayo ng tabernakulo. Ganoon din ang ginawa ni Haring David para sa pagtatayo ng templo. (Ex. 35:5; 1 Cro. 29:5-9) Noong panahon ni Haring Jehoas, ginamit ng mga saserdote ang mga perang nalikom para kumpunihin ang bahay ni Jehova. (2 Hari 12:4, 5) Nang mabalitaan ng mga Kristiyano noong unang siglo na nagkaroon ng taggutom sa Judea, “nagpasiya [sila], bawat isa sa kanila ayon sa makakayanan ng sinuman, na magpadala ng tulong bilang paglilingkod sa mga kapatid na nakatira sa Judea.”—Gawa 11:27-30.
8 Ang bayan ni Jehova noon ay nagbibigay rin ng pinansiyal na tulong sa mga nangunguna sa gawain. Halimbawa, sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ang mga Levita ay hindi tumanggap ng mana di-gaya ng ibang tribo. Sa halip, binibigyan sila ng mga Israelita ng ikapu, o ng ikasampung bahagi. Tumutulong ito sa mga Levita na makapagpokus sa kanilang gawain sa tabernakulo. (Bil. 18:21) Gayundin, si Jesus at ang kaniyang mga apostol ay sinuportahan ng bukas-palad na mga babae na ‘naglingkod sa kanila mula sa kanilang mga tinatangkilik.’—Luc. 8:1-3.
9. Saan galing ang ilan sa mga abuloy noon?
9 Siyempre pa, iba-iba ang pinanggagalingan ng mga donasyon. Nang mag-abuloy ang mga Israelita para sa pagtatayo ng tabernakulo sa ilang, maaaring kasama sa kanilang mga ibinigay ang mahahalagang bagay na dala nila galing sa Ehipto. (Ex. 3:21, 22; 35:22-24) Noong unang siglo, ipinagbili ng ilang Kristiyano ang kanilang mga pag-aari, gaya ng mga bukid o bahay, at dinala ang pera sa mga apostol. Ginamit ng mga apostol ang pondo para sa mga nangangailangan. (Gawa 4:34, 35) Ang iba naman ay nagbubukod ng pera para regular silang makapag-abuloy at masuportahan ang gawain. (1 Cor. 16:2) Oo, mayaman man o mahirap, lahat ay may maibibigay.—Luc. 21:1-4.
PAGBIBIGAY SA NGAYON
10, 11. (a) Paano natin matutularan ang bukas-palad na mga lingkod ni Jehova noong panahon ng Bibliya? (b) Ano ang nadarama mo tungkol sa pribilehiyong suportahan ang gawaing pang-Kaharian?
10 Sa ngayon, baka hilingan din tayong mag-abuloy para sa isang espesipikong layunin. Halimbawa, may plano ba ang kongregasyon ninyo na magpatayo ng bagong Kingdom Hall? O nire-renovate ba ang inyong kasalukuyang Kingdom Hall? Baka kailangan ang pinansiyal na suporta para sa renovation ng ating lokal na tanggapang pansangay o para sa dinadaluhan nating kombensiyon. O baka may mga kapatid tayong sinalanta ng kalamidad na nangangailangan ng tulong. Maaari din tayong mag-abuloy para suportahan ang mga nag-aasikaso sa gawain sa pandaigdig na punong-tanggapan at sa mga tanggapang pansangay sa buong mundo. Ang ating mga donasyon ay sumusuporta rin sa mga misyonero, special pioneer, at sa mga nasa gawaing pansirkito. Malamang na ang inyong kongregasyon ay may tuloy-tuloy na resolusyon na magpadala ng regular na kontribusyong magagamit sa pagtatayo ng mga Assembly Hall at Kingdom Hall—para sa kapakinabangan ng mga kapatid sa buong mundo.
11 Lahat tayo ay puwedeng makibahagi sa pagsuporta sa gawaing isinasakatuparan ni Jehova sa mga huling araw na ito. Karamihan sa mga nagbibigay ng donasyon ay hindi nagpapakilala. Kapag naghuhulog tayo ng pera sa donation box sa Kingdom Hall o nagdo-donate online sa jw.org, hindi natin ipinaaalam sa iba kung magkano ang ating ibinibigay. Baka madama natin na maliit lang ang ating iniabuloy. Pero karamihan sa mga donasyon ay galing sa maraming maliliit na abuloy, hindi sa malalaking kontribusyon. Maraming kapatid ang katulad ng mga taga-Macedonia noon. Kahit dumaranas sila ng “matinding karalitaan,” nakiusap pa rin sila na magkaroon ng pribilehiyong magbigay nang may pagkabukas-palad.—2 Cor. 8:1-4.
12. Paano sinisikap ng organisasyon na magamit sa tamang paraan ang mga donasyon?
12 Sa tulong ng panalangin, sinisikap ng Lupong Tagapamahala na maging tapat at Mat. 24:45) Ang mga pondong natatanggap ay binabadyet at ginagamit sa tamang paraan. (Luc. 14:28) Noong panahon ng Bibliya, may sinusunod na kaayusan ang mga katiwala ng mga nakaalay na pondo para matiyak na ang mga donasyon ay magagamit sa talagang layunin ng mga ito. Halimbawa, naglakbay si Ezra pabalik ng Jerusalem dala ang mga materyales na iniabuloy ng hari ng Persia—ginto, pilak, at iba pa, na nagkakahalaga ng mahigit $100 milyon (U.S.) sa ngayon. Itinuring ni Ezra ang mga ito bilang kusang-loob na mga handog kay Jehova kaya nagbigay siya ng espesipikong mga tagubilin para maingatan ang mga ito sa kanilang mapanganib na paglalakbay. (Ezra 8:24-34) Si apostol Pablo ay lumikom ng donasyon bilang paglilingkod para sa mga kapatid sa Judea. Tiniyak niya na ang mga inatasang magdala ng mga donasyon ay “matapat . . . , hindi lamang sa paningin ni Jehova, kundi gayundin sa paningin ng mga tao.” (Basahin ang 2 Corinto 8:18-21.) Bilang pagtulad kina Ezra at Pablo, ang ating organisasyon ay mahigpit ding sumusunod sa mga tagubilin pagdating sa paghawak at paggastos ng mga donasyon.
maingat sa paggamit ng pondo ng organisasyon. (13. Ano ang dapat nating maging pananaw sa mga pagpapasimpleng ginawa ng organisasyon?
13 Ang isang pamilya ay puwedeng gumawa ng mga pagbabago para mabadyet ang kanilang kita at mabawasan ang kanilang gastusin. O baka pasimplehin nila ang kanilang buhay para higit na makapaglingkod kay Jehova. Ganiyan din ang ginagawa ng organisasyon ni Jehova. Nitong nakaraang mga taon, nagkaroon ng bagong mga kaayusan at proyekto. Dahil dito, may mga panahong mas malaki ang gastusin kaysa sa mga natatanggap na donasyon. Kaya gumagawa ng paraan ang organisasyon para makatipid at mapasimple ang gawain at magamit nang husto ang inyong kusang-loob na mga donasyon.
MGA NAGAGAWA NG INYONG DONASYON
14-16. (a) Ano ang ilan sa nagagawa ng inyong mga donasyon? (b) Sa anong mga paraan ka nakikinabang sa ganitong mga probisyon?
14 Maraming matatagal nang lingkod ni Jehova ang nagsabi na ngayon lang sila nakatanggap ng ganito karaming espirituwal na probisyon. Isip-isipin mo! Nitong nagdaang mga taon, nagkaroon na tayo ng jw.org at JW Broadcasting. Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ay inilalathala na sa mas maraming wika. Noong 2014/2015, ang ilan sa pinakamalalaking istadyum sa 14 na lunsod sa buong mundo ay pinagdausan ng tatlong-araw na “Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian ng Diyos!” na Internasyonal na mga Kombensiyon. Masayang-masaya ang lahat ng dumalo.
15 Marami ang nagpahalaga sa mga regalong natatanggap nila mula sa organisasyon ni Jehova. Halimbawa, tungkol sa JW Broadcasting, isang mag-asawang naglilingkod sa isang bansa sa Asia ang sumulat: “Naatasan kami sa isang maliit na lunsod. Kaya minsan, nadarama namin na isolated kami, at madali naming nalilimutan ang lawak ng gawain ni Jehova. Pero kapag napanood na namin ang sari-saring programa sa JW Broadcasting, naaalaala namin na bahagi pala kami ng isang internasyonal na kapatiran. Sabik na sabik ang mga kapatid dito sa JW Broadcasting. Madalas naming marinig sa kanila na pagkatapos nilang mapanood ang buwanang programa, damang-dama nila na malapít sila sa mga miyembro ng Lupong Tagapamahala. Kaya ngayon, mas ipinagmamalaki nilang maging bahagi ng organisasyon ng Diyos.”
16 Sa buong mundo, halos 2,500 Kingdom Hall ang kasalukuyang itinatayo o kinukumpuni. Nang gamitin nila ang kanilang bagong Kingdom Hall, ang mga miyembro ng isang kongregasyon sa Honduras ay sumulat: “Masayang-masaya kaming maging bahagi ng pamilya ni Jehova at ng pambuong-daigdig na kapatiran, na parehong tumulong para magkatotoo ang aming pangarap na magkaroon ng Kingdom Hall sa aming komunidad.” Marami rin ang nagpapahayag ng ganitong pagpapahalaga nang magkaroon sila ng Bibliya at iba pang publikasyon sa sarili nilang wika, nang makatanggap sila ng tulong pagkatapos ng kalamidad, o kapag nakikita nila ang magagandang resulta ng metropolitan at public witnessing sa kanilang komunidad.
17. Paano makikita sa pagkilos ng organisasyon ang tulong ni Jehova?
17 Hindi maintindihan ng mga nagmamasid kung paano nagiging posible ang lahat ng gawaing ito sa pamamagitan lang ng boluntaryong mga donasyon. Pagkatapos mag-tour sa isa sa ating mga pasilidad sa pag-iimprenta, isang executive mula sa isang malaking kompanya ang napahanga dahil ang lahat ng gawain ay isinasagawa ng mga boluntaryo, gamit ang boluntaryong mga donasyon, at hindi gumagawa ng paraan para lang makalikom ng pera. Sinabi niyang imposibleng magawa natin ang lahat ng ito. Totoo naman! Alam nating posible lang ito sa tulong ni Jehova.—Job 42:2.
MGA PAGPAPALA NG PAGBIBIGAY KAY JEHOVA
18. (a) Anong mga pagpapala ang natatanggap natin kapag nagbibigay tayo ng suporta sa Kaharian? (b) Paano natin sasanaying makibahagi rito ang ating mga anak at mga baguhan?
18 Binibigyan tayo ni Jehova ng karangalan at pagkakataong suportahan ang gawaing pang-Kaharian. Tinitiyak niya na tatanggap tayo ng mga pagpapala kung nagbibigay tayo para suportahan ang Kaharian. (Mal. 3:10) Nangako si Jehova na ang bukas-palad na nagbibigay ay mananagana. (Basahin ang Kawikaan 11:24, 25.) Ang pagbibigay ay nagpapasaya rin sa atin, dahil “may higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35) Sa ating salita at gawa, may pribilehiyo tayong sanayin ang ating mga anak at mga baguhan kung paano sila makikibahagi sa gawaing ito at masisiyahan sa maraming pagpapala.
19. Paano ka napasigla ng artikulong ito?
19 Lahat ng mayroon tayo ay galing kay Jehova. Ipinakikita ng ating pagbibigay sa kaniya na mahal natin siya at pinahahalagahan natin ang lahat ng ginawa niya para sa atin. (1 Cro. 29:17) Nang mag-abuloy ang bayan para sa pagtatayo ng templo, “nagsaya [sila] sa kanilang paghahandog nang kusang-loob, sapagkat naghandog sila nang kusang-loob kay Jehova taglay ang sakdal na puso.” (1 Cro. 29:9) Patuloy rin sana tayong masiyahan sa pagbibigay kay Jehova mula sa mga bagay na ibinigay niya sa atin.