Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 117

Magpakita ng Kabutihan

Magpakita ng Kabutihan

(2 Cronica 6:41)

  1. 1. O kay buti mo, Jehova,

    Kami’y ’yong pinagpala!

    Kabutiha’y ’pinakita

    sa lahat ng ’yong gawa.

    Ang paglingap mo at awa,

    Labis-labis sa amin.

    Dapat lang na sambahin ka

    at paglingkuran namin.

  2. 2. Sa ’yong bayan, nakikita

    ang iyong kabutihan—

    Sa pangangaral nila at

    sa paggawing kay inam.

    Ang mabuting balita ay

    lumaganap sa lupa.

    ’Yong espiritu’y dalangin,

    Kabutihan ang bunga.

  3. 3. Sana ay ’yong pagpalain,

    Mabuting gawa namin,

    Para sa ’ming kapatiran

    at sa aming kap’wa rin.

    Sa pamilya, kongregasyon,

    at sa lahat ng dako,

    Ika’y aming tutularan

    at ang kabutihan mo.