‘Ang Pinakamagandang Aklat Tungkol sa mga Relihiyon sa Daigdig’

‘Ang Pinakamagandang Aklat Tungkol sa mga Relihiyon sa Daigdig’

‘Ang Pinakamagandang Aklat Tungkol sa mga Relihiyon sa Daigdig’

◼ Pinoproblema ng isang titser sa haiskul sa Canada kung paano niya ituturo sa kaniyang mga estudyante ang tungkol sa paniniwala ng iba’t ibang relihiyon sa kanilang lugar. Pagkabasa sa aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, napabulalas siya: “Sa lahat ng nabasa kong aklat tungkol sa mga relihiyon sa daigdig, ito ang pinakamaganda!” Gustung-gusto niya ang aklat kaya humingi siya ng permiso sa administrasyon ng paaralan na gamitin sa klase ang aklat, at pinayagan naman siya.

Sinabi ng titser na handa siyang magbiyahe nang mahigit 500 kilometro para kumuha ng 40 kopya ng aklat mula sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Canada. Pero sinabi ng mga Saksi sa kanilang lugar na sila na ang maghahatid sa kaniya ng mga aklat. Nagustuhan din ng marami niyang estudyante ang aklat kaya humiling sila ng sarili nilang kopya.

Makatutulong din sa iyo ang aklat na ito para maunawaan mo ang mga paniniwala ng mga tao sa inyong lugar. Ipinaliliwanag nito ang pinagmulan, kasaysayan, at mga turo ng malalaking relihiyon sa daigdig​—kasali na ang Hinduismo, Budismo, Taoismo, Confucianismo, Shinto, Judaismo, Islam, at Kristiyanismo.

Maaari kang humiling ng isang kopya ng 384-na-pahinang makulay na aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.