Hebreo 2:1-18
2 Iyan ang dahilan kung bakit natin kailangang magbigay ng higit kaysa sa karaniwang pansin sa mga bagay na narinig+ natin, upang hindi tayo kailanman maanod papalayo.+
2 Sapagkat kung ang salita na sinalita sa pamamagitan ng mga anghel+ ay naging matatag, at ang bawat pagsalansang at gawang pagsuway ay tumanggap ng kagantihan na kasuwato ng katarungan;+
3 paano tayo tatakas+ kung pinabayaan+ natin ang isang kaligtasan na gayon kadakila+ anupat pinasimulan itong salitain sa pamamagitan ng ating Panginoon+ at tiniyak+ sa atin niyaong mga nakarinig sa kaniya,
4 habang ang Diyos ay kasamang nagpapatotoo sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga palatandaan din at iba’t ibang makapangyarihang mga gawa+ at sa pamamagitan ng mga pamamahagi+ ng banal na espiritu ayon sa kaniyang kalooban?+
5 Sapagkat hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang darating na tinatahanang lupa,+ na tungkol dito ay nagsasalita kami.
6 Ngunit may isang saksi na nagbigay ng patotoo sa isang dako, na sinasabi: “Ano ang tao anupat iniingatan mo siya sa isipan,+ o ang anak ng tao anupat pinangangalagaan mo siya?+
7 Ginawa mo siyang mas mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel; pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan,+ at inatasan mo siya sa mga gawa ng iyong mga kamay.+
8 Ipinasakop mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa.”+ Sapagkat yamang ipinasakop niya sa kaniya ang lahat ng bagay,+ ang Diyos ay walang iniwang anumang bagay na hindi napasasakop sa kaniya.+ Bagaman ngayon ay hindi pa natin nakikitang napasasakop sa kaniya ang lahat ng bagay;+
9 ngunit nakikita natin si Jesus, na ginawang mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel,+ na pinutungan ng kaluwalhatian+ at karangalan dahil sa pagdurusa ng kamatayan,+ upang sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos ay matikman niya ang kamatayan para sa bawat tao.+
10 Sapagkat nararapat para sa isa na alang-alang sa kaniya ang lahat ng bagay+ at sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian,+ na pasakdalin ang Punong Ahente+ ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa.+
11 Sapagkat kapuwa siya na nagpapabanal at yaong mga pinababanal+ ay nagmumulang lahat sa isa,+ at sa dahilang ito ay hindi niya ikinahihiyang tawagin silang “mga kapatid,”+
12 gaya ng kaniyang sinasabi: “Ipahahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid; sa gitna ng kongregasyon ay pupurihin kita ng awit.”+
13 At muli: “Ako ay magtitiwala sa kaniya.”+ At muli: “Narito! Ako at ang mumunting mga anak, na ibinigay sa akin ni Jehova.”+
14 Samakatuwid, yamang ang “mumunting mga anak” ay mga kabahagi sa dugo at laman, siya rin sa katulad na paraan ay nakibahagi sa gayunding mga bagay,+ upang sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan+ ay mapawi niya+ ang isa na may kakayahang magpangyari ng kamatayan,+ samakatuwid nga, ang Diyablo;+
15 at upang mapalaya+ niya ang lahat niyaong mga dahil sa takot sa kamatayan+ ay napasailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila.+
16 Sapagkat hindi naman talaga mga anghel ang tinutulungan niya, kundi ang binhi ni Abraham ang tinutulungan niya.+
17 Dahil dito ay kinailangan siyang maging tulad ng kaniyang “mga kapatid” sa lahat ng bagay,+ upang siya ay maging isang mataas na saserdote na maawain at tapat sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos,+ upang maghandog ng pampalubag-loob+ na hain para sa mga kasalanan ng mga tao.+
18 Sapagkat yamang siya mismo ay nagdusa nang inilalagay sa pagsubok,+ magagawa niyang saklolohan yaong mga nalalagay sa pagsubok.+