Hebreo 12:1-29
12 Kung gayon nga, yamang napalilibutan tayo ng ganito kalaking ulap ng mga saksi,+ alisin din natin ang bawat pabigat+ at ang kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin,+ at takbuhin natin nang may pagbabata+ ang takbuhan+ na inilagay sa harap natin,+
2 habang nakatingin tayong mabuti sa Punong Ahente+ at Tagapagpasakdal ng ating pananampalataya,+ si Jesus. Dahil sa kagalakang inilagay sa harap niya ay nagbata+ siya ng pahirapang tulos, na hinahamak ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng trono ng Diyos.+
3 Maingat nga ninyong pag-isipan ang isa na nagbata ng gayong pasalungat na pananalita+ ng mga makasalanan laban sa kanilang sariling mga kapakanan, upang hindi kayo manghimagod at manghina sa inyong mga kaluluwa.+
4 Sa inyong pakikipagpunyagi laban sa kasalanang iyon ay hindi pa kayo kailanman nakipaglaban hanggang sa dugo,+
5 ngunit lubusan ninyong nilimot ang payo na nananawagan sa inyo bilang mga anak:+ “Anak ko, huwag mong maliitin ang disiplina mula kay Jehova, ni manghina ka man kapag itinutuwid ka niya;+
6 sapagkat ang iniibig ni Jehova ay dinidisiplina niya; sa katunayan, hinahagupit niya ang bawat isa na kaniyang tinatanggap bilang anak.”+
7 Kayo ay nagbabata dahil sa disiplina.+ Ang Diyos ay nakikitungo sa inyo gaya ng sa mga anak.+ Sapagkat anong anak siya na hindi dinidisiplina ng ama?+
8 Ngunit kung kayo ay wala nitong disiplina na dito ay naging kabahagi ang lahat, kayo ay talaga ngang mga anak sa ligaw,+ at hindi tunay na mga anak.
9 Karagdagan pa, nagkaroon tayo ng mga ama ng ating laman upang dumisiplina sa atin,+ at pinag-ukulan natin sila ng paggalang. Hindi ba tayo lalo pang magpapasakop sa Ama ng ating espirituwal na buhay at mabubuhay?+
10 Sapagkat sila sa loob ng ilang araw ay dumisiplina sa atin ayon sa kung ano ang inaakala nilang mabuti,+ ngunit ginagawa niya ang gayon para sa kapakinabangan natin upang makabahagi tayo sa kaniyang kabanalan.+
11 Totoo, walang disiplina ang waring sa kasalukuyan ay nakagagalak, kundi nakapipighati;+ gayunman pagkatapos doon sa mga sinanay nito ay nagluluwal ito ng mapayapang bunga,+ samakatuwid nga, ng katuwiran.+
12 Kaya iunat ninyo ang mga kamay na nakalaylay+ at ang mga nanghihinang tuhod,+
13 at patuloy na gumawa ng tuwid na mga landas para sa inyong mga paa,+ upang ang may pilay ay hindi malinsad sa kasukasuan, kundi sa halip ay mapagaling ito.+
14 Itaguyod ninyo ang pakikipagpayapaan sa lahat ng tao,+ at ang pagpapabanal+ na kung wala nito ay walang taong makakakita sa Panginoon,+
15 na maingat na nagbabantay na walang sinuman ang mapagkaitan ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos;+ upang walang ugat na nakalalason+ ang sumibol at lumikha ng kaguluhan at upang hindi nito madungisan ang marami;+
16 upang huwag magkaroon ng sinumang mapakiapid o ng sinumang hindi nagpapahalaga sa mga bagay na sagrado, tulad ni Esau,+ na kapalit ng isang pagkain ay ipinamigay ang kaniyang mga karapatan bilang panganay.+
17 Sapagkat alam ninyo na pagkatapos din nang naisin niyang manahin ang pagpapala+ ay itinakwil siya,+ sapagkat, bagaman may-pananabik niyang hinangad ang pagbabago ng isip na may pagluha,+ wala siyang nasumpungang dako para roon.+
18 Sapagkat hindi ninyo nilapitan yaong maaaring hipuin+ at yaong pinagliyab sa apoy,+ at isang madilim na ulap at makapal na kadiliman at isang unos,+
19 at ang malakas na tunog ng trumpeta+ at ang tinig ng mga salita;+ na sa pagkarinig sa tinig na iyon ay nakiusap ang bayan na wala nang salitang idagdag pa sa kanila.+
20 Sapagkat hindi nila makayanan ang utos: “At kung may hayop na tumuntong sa bundok, ito ay babatuhin.”+
21 Gayundin, ang tanawin ay lubhang nakatatakot anupat sinabi ni Moises: “Ako ay natatakot at nanginginig.”+
22 Kundi nilapitan ninyo ang isang Bundok Sion+ at isang lunsod+ ng Diyos na buháy, makalangit na Jerusalem,+ at laksa-laksang mga anghel,+
23 sa pangkalahatang kapulungan,+ at ang kongregasyon ng panganay+ na nakatala+ sa langit, at ang Diyos na Hukom ng lahat,+ at ang mga espirituwal na buhay+ ng mga matuwid na pinasakdal na,+
24 at si Jesus na tagapamagitan+ ng isang bagong tipan,+ at ang dugo ng pagwiwisik,+ na nagsasalita sa mas mabuting paraan kaysa sa dugo ni Abel.+
25 Tiyakin ninyo na huwag kayong tumanggi sa kaniya na nagsasalita.+ Sapagkat kung hindi nakatakas yaong mga tumanggi sa kaniya na nagbigay ng babalang mula sa Diyos sa ibabaw ng lupa,+ lalo nga nating hindi magagawa kung tatalikuran natin siya na nagsasalita mula sa langit.+
26 Nang panahong iyon ay niyanig ng kaniyang tinig ang lupa,+ ngunit ngayon ay nangako siya, na sinasabi: “At minsan pa nga ay yuyugyugin ko hindi lamang ang lupa kundi gayundin ang langit.”+
27 Ngayon ang pananalitang “At minsan pa nga” ay nangangahulugan ng pag-aalis sa mga bagay na niyayanig bilang mga bagay na ginawa,+ upang ang mga bagay na hindi niyayanig ay manatili.+
28 Dahil dito, yamang tatanggap tayo ng isang kaharian na hindi mayayanig,+ patuloy tayong magkaroon ng di-sana-nararapat na kabaitan, na sa pamamagitan nito ay kaayaayang makapag-uukol tayo sa Diyos ng sagradong paglilingkod nang may makadiyos na takot at sindak.+
29 Sapagkat ang ating Diyos ay isa ring apoy na tumutupok.+