Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PATULOY NA MAGBANTAY!

Bakit Ganito Na ang Ugali ng mga Tao?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Bakit Ganito Na ang Ugali ng mga Tao?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Pasama nang pasama ang ugali ng mga tao. Sinisigawan ng mga pasyente ang mga doktor; pinapagalitan ng mga walang-respetong customer ang mga waiter; sinasaktan at pinagsasalitaan nang masama ng mga pasahero ang mga flight attendant; tinutuya, pinagbabantaan, at sinasaktan ng mga estudyante ang guro nila; at nasasangkot sa mga iskandalo ang ilang politiko habang nagmamalinis naman ang iba.

 Pagdating sa kung ano ang dapat na maging ugali ng mga tao, mapagkakatiwalaang basehan ang Bibliya. Ipinapaliwanag din nito kung bakit masama ang ugali ng mga tao ngayon.

Bakit masama na ang pag-uugali ng mga tao?

 Kitang-kita sa buong mundo na pasama nang pasama ang pag-uugali at paggawi ng mga tao.

  •   Ayon sa isang survey kamakailan ng Gallup, sinasabi ng mga Amerikano na mas mababa na ang pamantayang moral ng United States ngayon kumpara sa nakalipas na 22 taon.

  •   Sa isa pang survey sa mahigit 32,000 tao mula sa 28 bansa, 65 percent ang nagsabi na talagang napakasama na ng pag-uugali ng mga tao ngayon.

 Nakahula sa Bibliya ang nakikita nating pag-uugali ng mga tao.

  •   “Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. Sapagkat ang mga tao’y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob . . . walang pagmamahal sa kapwa, [at] marahas.”—2 Timoteo 3:1-3, Magandang Balita Biblia.

 Para malaman kung paano natutupad ang hulang ito, basahin ang artikulong “Inihula Ba ng Bibliya na Magiging Ganito ang Ugali ng mga Tao sa Ngayon?

Isang maaasahang basehan ng tamang pag-uugali

 Nakita ng milyon-milyon sa buong mundo na maaasahang basehan ang Bibliya pagdating sa tamang pag-uugali. Ang mga payo nito ay “laging maaasahan . . . ngayon at magpakailanman.” (Awit 111:8) Tingnan ang ilang halimbawa:

  •   Ang sabi ng Bibliya: “Lahat ng gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila.”—Mateo 7:12.

     Ibig sabihin: Dapat tayong maging mabait at magalang sa iba, gaya ng gusto nating gawin nila sa atin.

  •   Ang sabi ng Bibliya: “Ngayong itinigil na ninyo ang panlilinlang, magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa.”—Efeso 4:25.

     Ibig sabihin: Dapat tayong maging tapat sa lahat ng sinasabi at ginagawa natin.

 Para sa higit pang impormasyon, basahin ang: