Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sa Yakap Niya

Sa Yakap Niya

I-download:

  1. 1. Para akong tupa

    Na nawalay sa pastol.

    ’Di ko na makita,

    Sa’n na ba patungo ang buhay ko?

    Salamat sa ating Ama.

    Mahal niya ang mga tupa niya.

    (KORO)

    Nahanap niya ang isang tulad ko.

    ’Pinadama ang malasakit niya.

    Ako’y ibabalik niya at aakayin niya.

    At ako’y dadalhin sa yakap niya.

  2. 2. ’Pag nasa piling ka

    Ng Pastol mo at Ama,

    Mapapanatag ka

    Kasama ng lahat ng pamilya niya.

    Kaya’t lumapit ka sa kaniya.

    Mahal ni Jehova ang tupa niya.

    (KORO)

    Hinahanap niya ang isang tulad mo.

    Ipadarama na ika’y mahalaga.

    Ika’y ibabalik niya at aakayin niya.

    At ika’y dadalhin sa yakap niya.

    (BRIDGE)

    Ang ’yong pamilya’y

    Naghihintay sa iyo.

    Mahal ka namin.

    Salamat sa pagbalik mo!

    Damhin mo,

    Yakap niya.

    (KORO)

    Nahanap niya ang isang tulad mo.

    ’Pinadama ang malasakit niya.

    Ika’y ibabalik niya.

    At ikaw ay dadalhin

    Sa yakap niya.