Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Iyong Salita ay Mananatili Magpakailanman

Ang Iyong Salita ay Mananatili Magpakailanman
PAGKAKAAYOS

I-download:

  1. 1. Kinilala nila

    Nang may takot sa puso.

    Sa Diyos nagpasalamat

    Sa paghayag ng pag-ibig.

    Ngalan mo’y ’binigay,

    Pag-asa ay tinaglay.

    Ang ’yong mga salita,

    Nanatili sa ami’y gabay.

    Inibig ka nila.

    Kalooban mo’y ginawa.

    Pinili mo ang mga tapat,

    Salita mo’y isinulat.

    (KORO)

    Hanggang magpakailanman,

    Dalisay mong Salita.

    Mabuting balita, nagpapanariwa.

    Iingatan ang ’yong Salita.

  2. 2. O! Marami man ang kalaban,

    ’Di ka napigilan.

    Nanatili sa panig mo

    Ang mga tapat sa iyo.

    At ipagbawal man ang Bibliya,

    Kahit buhay ibibigay.

    Nanampalataya at nagpatotoo,

    Kaya’t Salita’y narito.

    (KORO)

    ’Pagka’t hanggang magpakailanman,

    Dalisay mong Salita.

    Mabuting balita, nagpapanariwa.

    Iingatan ang ’yong Salita.

  3. 3. Nagpakilala ka, O Jehova.

    Ngalan mo’y inihayag.

    Mananatili ’to,

    Pangako’y totoo,

    Pupurihin habang-buhay.

    (KORO)

    O! Hanggang magpakailanman,

    Ang dalisay mong Salita.

    Mabuting balita, nagpapanariwa.

    Iingatan ang ’yong Salita,

    Habang-buhay.