Pumupuri sa Diyos Nang Nagkakaisa
I-download:
1. Tao’y nagdurusa
At laging lumuluha.
May bukas ba na darating
Na wala nang problema?
Ang Diyos nangangako,
Lahat ay magbabago.
Wala nang kirot,
Wala nang lungkot.
Pag-asa’y narito na.
(KORO)
Mapayapa
Ang lupa.
Kay Jehova,
Lahat pumupuri
Nang nagkakaisa.
2. Maaasahan mo,
Pangako niya’y totoo.
At kahit ngayon, nakikita mo
Na handa siyang tumulong.
Ang ’yong mga luha
Ay papahirin niya.
Malapit mo nang maranasan,
Buhay na kay ganda!
(KORO)
Mapayapa
Ang lupa.
Kay Jehova,
Lahat pumupuri
Nang nagkakaisa.
(BRIDGE)
Kaharian ng Diyos
Ang mamamahala.
Ang kaniyang Anak ang siyang tutupad
Ng kalooban niya
Magpakailan pa man.
(KORO)
Mapayapa
Ang lupa.
Kay Jehova,
Lahat pumupuri.
Mapayapa
Ang lupa.
Kay Jehova,
Lahat pumupuri
Nang nagkakaisa.
Purihin natin siya!