Laging Maninindigan
I-download:
1. Kay rami ng pagsubok
Sa ating katapatan.
Kahit na mahirapan,
’Di pa rin pahahadlang.
Tayo’y may lakas at tapang
At laging nananalig.
Kahit na anong sandata,
Tayo ay mananaig.
(KORO)
Tayo’y bayan ni Jehova;
Laging nagkakaisa.
Kahit na ano’ng mangyari,
Laging maninindigan,
Laging maninindigan.
2. Tayo ay may tiwala
Sa ’ting Diyos na Jehova.
Hindi niya lilimutin
Ang pag-ibig niya sa ’tin.
Lagi siyang handang tumulong;
Siya’y hindi mabibigo.
Tayo ay makakabangon
Dahil siya ang ating Diyos.
(KORO)
Tayo’y bayan ni Jehova;
Laging nagkakaisa.
Kahit na ano’ng mangyari,
Laging maninindigan.
(BRIDGE)
Kailanman, saanman,
Tayo’y nagkakaisa
Dahil sa pag-ibig natin
Sa ’ting Diyos na Jehova.
(KORO)
Tayo’y bayan ni Jehova;
Laging nagkakaisa.
Kahit na ano’ng mangyari,
Laging maninindigan,
Laging maninindigan.