Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Liham Mula sa Lupong Tagapamahala

Liham Mula sa Lupong Tagapamahala

Para sa mga umiibig sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Salita, ang Bibliya:

“Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo,” ang sabi ni Jesus. (Juan 8:32) Isipin ang nadama mo noong una mong malaman ang katotohanan sa Bibliya! Napakasayang malaman na sa mundong ito na punô ng kasinungalingan, puwede nating malaman ang katotohanan.—2 Timoteo 3:1.

Gusto ng Diyos na Jehova na malaman natin ang katotohanan. At dahil mahal natin ang mga tao, gusto natin itong sabihin sa kanila. Pero hindi lang iyan ang kailangan para mapaglingkuran ang Diyos. Dapat nating gawin ang lahat para mamuhay bilang Kristiyano dahil malaki ang paggalang natin sa mga prinsipyo ni Jehova. May sinabi si Jesus kung paano natin maipapakita na mahal natin ang Diyos. Sinabi niya: “Kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, mananatili kayo sa pag-ibig ko, kung paanong sinunod ko ang mga utos ng Ama at nanatili sa pag-ibig niya.”—Juan 15:10.

Mahal na mahal ni Jesus ang kaniyang Ama, at sinusunod niya ang lahat ng sabihin ng kaniyang Ama. Kung tinutularan natin si Jesus sa pamumuhay natin, mamahalin tayo ni Jehova at magiging tunay na maligaya. Gaya ng sinabi ni Jesus, “dahil alam na ninyo ito, magiging maligaya kayo kung gagawin ninyo ito.”—Juan 13:17.

Sana’y matulungan ka ng aklat na ito na mamuhay ayon sa katotohanan ng Bibliya at maging kaibigan ng Diyos. Dalangin namin na lumalim ang pag-ibig mo sa Diyos at manatili ka “sa pag-ibig ng Diyos . . . na umaakay sa buhay na walang hanggan.”—Judas 21.

Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova