Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

BAHAGI 11

Nakikinig Ba sa Atin si Jehova?

Nakikinig Ba sa Atin si Jehova?

Pinakikinggan ng Diyos ang ating mga panalangin. 1 Pedro 3:12

Si Jehova ang “Dumirinig ng panalangin.” (Awit 65:2) Gusto niya na makipag-usap tayo sa kaniya mula sa puso.

Kay Jehova ka lang dapat manalangin.

Marami tayong puwedeng ipanalangin. 1 Juan 5:14

Idalangin na mangyari nawa ang kalooban ng Diyos sa langit at sa lupa.

Manalangin sa pangalan ni Jesus para ipakitang pinahahalagahan mo ang ginawa niya para sa iyo.

Hilingin kay Jehova na tulungan kang gawin ang tama. Puwede mo ring ipanalangin ang tungkol sa pagkain, damit, tirahan, trabaho, at kalusugan.