Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 BAHAGI 9

Kailan Magiging Paraiso ang Lupa?

Kailan Magiging Paraiso ang Lupa?

Ang mga kaguluhan sa lupa ay patunay na malapit nang kumilos ang Kaharian ng Diyos. Lucas 21:10, 11; 2 Timoteo 3:1-5

Marami sa mga nangyayari ngayon ay nakahula sa Bibliya. Sinasabi nito na ang mga tao ay magiging maibigin sa pera, masuwayin sa magulang, mabangis, at maibigin sa kaluguran.

Magkakaroon ng malalakas na lindol, digmaan, taggutom, at sakit sa iba’t ibang lugar. Nangyayari na ang mga ito sa ngayon.

Gayundin, sinabi ni Jesus na ipangangaral sa buong lupa ang mabuting balita tungkol sa Kaharian.​—Mateo 24:14.

 Aalisin ng Kaharian ang lahat ng kasamaan. 2 Pedro 3:13

Malapit nang puksain ni Jehova ang lahat ng masasama.

Paparusahan si Satanas at ang mga demonyo.

Ang mga nakikinig sa Diyos ay makaliligtas tungo sa isang matuwid na bagong sanlibutan, kung saan wala nang takot at ang mga tao ay nagtitiwala at nagmamahalan sa isa’t isa.