Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 BAHAGI 13

Ano ang Dapat Nating Gawin Para Mapasaya ang Diyos?

Ano ang Dapat Nating Gawin Para Mapasaya ang Diyos?

Iwasan ang paggawa ng masama. 1 Corinto 6:9, 10

Kung mahal natin si Jehova, hindi tayo gagawa ng mga bagay na ayaw niya.

Ayaw ni Jehova na tayo ay nagnanakaw, naglalasing, o nagdodroga.

Kinapopootan ng Diyos ang pagpatay, aborsiyon, at homoseksuwalidad. Ayaw niya tayong maging sakim o makipag-away.

Hindi tayo dapat sumamba sa mga imahen o magsagawa ng espiritismo.

Hindi papayagang mabuhay sa Paraisong lupa ang masasamang tao.

 Gumawa ng mabuti. Mateo 7:12

Para mapasaya ang Diyos, dapat natin siyang tularan.

Magpakita ng pag-ibig sa iba sa pamamagitan ng pagiging mabait at mapagbigay.

Maging tapat.

Maging maawain at mapagpatawad.

Sabihin sa iba ang tungkol kay Jehova at sa kaniyang mga pamantayan.​—Isaias 43:10.