Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 69

Humayo at Ipangaral ang Kaharian!

Humayo at Ipangaral ang Kaharian!

(2 Timoteo 4:5)

  1. 1. Ipangaral ang Kaharian

    Sa bawat bansa’t bayan.

    Taglay ang pag-ibig sa kapuwa,

    Maamo ay tulungan.

    Ito ay isang pribilehiyo;

    Maglingkod ay kagalakan.

    Humayo tayo at mangaral

    Para sa kaniyang pangalan.

    (KORO)

    Sulong, hayo, ipangaral

    natin ang Kaharian.

    Sulong, tayo ay panig kay Jehova,

    walang hanggan.

  2. 2. Pinahiran at ibang tupa,

    Ngayo’y magkaagapay.

    Bata’t matanda’y humahayo,

    Nakaaalinsabay.

    Tungkol sa Kaharian ng Diyos,

    Lahat dapat balitaan.

    Dahil sa lakas ni Jehova,

    Walang dapat katakutan!

    (KORO)

    Sulong, hayo, ipangaral

    natin ang Kaharian.

    Sulong, tayo ay panig kay Jehova,

    walang hanggan.