Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 68

Paghahasik ng Binhi ng Kaharian

Pumili ng Audio Recording
Paghahasik ng Binhi ng Kaharian
PAGKAKAAYOS

(Mateo 13:4-8)

  1. 1. Halina at makibahagi,

    Sundan ating Panginoon.

    Nariyan ang tulong at gabay niya

    Sa gawain natin ngayon.

    Binhi’y tutubo at mamumunga

    Sa may matapat na puso.

    Kaya’t ibigay buong makakaya

    Sa iniatas niya sa iyo.

  2. 2. Ang tagumpay ng ’yong gawain,

    Nakabatay rin sa iyo.

    Kailangan silang maturuan

    Nang sumulong at matuto.

    Sa pag-uusig at panggigipit,

    Tulungan silang tumayo.

    Ang kagalakan ay ’yong madarama

    ’Pag sa puso binhi’y tumubo.

(Tingnan din ang Mat. 13:19-23; 22:37.)