TAMPOK NA PAKSA | MGA SAKSI NI JEHOVA—SINO SILA?
Bakit Kami Nangangaral?
Marahil kilalang-kilala kami dahil sa aming malawakang pangangaral
Nangangaral ang mga Saksi ni Jehova para luwalhatiin ang Diyos at ipakilala ang kaniyang pangalan. (Hebreo 13:15) Gusto rin naming sundin ang utos ni Kristo Jesus: “Kaya humayo kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, . . . na itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.”
Bukod diyan, mahal namin ang aming kapuwa. (Mateo 22:39) Mangyari pa, alam namin na may sarili nang relihiyon ang karamihan ng tao at na hindi lahat ay interesado sa aming mensahe. Pero naniniwala kami na ang mga turo ng Bibliya ay nagliligtas-buhay. Kaya kami ay “walang humpay sa pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo,” gaya ng ginawa ng mga Kristiyano noong unang siglo.
Isinulat ng sosyologong si Antonio Cova Maduro ang tungkol sa “pagsisikap at hirap na pinagdaanan ng mga Saksi ni Jehova . . . , upang makarating ang banal na kasulatan hanggang sa pinakamalayong sulok ng lupa.”
Karamihan sa nagbabasa ng aming literatura ay hindi mga Saksi ni Jehova. At milyon-milyon na nakikipag-aral sa amin sa Bibliya ay kabilang sa ibang relihiyon. Gayunman, nagpapasalamat sila na dumadalaw sa kanila ang mga Saksi ni Jehova.
Pero baka may iba ka pang tanong tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Alamin ang sagot sa pamamagitan ng
-
Pagtatanong sa mga Saksi ni Jehova.
-
Pagpunta sa aming website na www.jw.org/tl.
-
Pagdalo sa aming mga pulong, na walang bayad at para sa lahat.