Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Iniisip ba ng mga Saksi ni Jehova na Sila Lang ang Maliligtas?

Iniisip ba ng mga Saksi ni Jehova na Sila Lang ang Maliligtas?

Hindi. Milyon-milyong nabuhay noon na hindi naman Saksi ni Jehova ang may pag-asang maligtas. Ipinaliliwanag ng Bibliya na sa ipinangako ng Diyos na bagong sanlibutan, “magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa 24:15) Isa pa, maraming nabubuhay sa ngayon ang magsisimula pa lang na maglingkod sa Diyos, at sila rin ay maliligtas. Anuman ang kalagayan, hindi kami ang magsasabi kung maliligtas ang isa o hindi. Kay Jesus ibinigay ang atas na iyan.—Juan 5:22, 27.