Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Ano ang Kulang sa mga Larawang Ito?

Basahin ang Kawikaan 18:10 at 26:17. Ngayon, tingnan mo ang mga larawan. Anu-ano ang kulang sa mga larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Pagdugtung-dugtungin ang mga tuldok para makumpleto ang mga larawan, at kulayan ito.

1. ․․․․․

2. ․․․․․

[Dayagram]

(Tingnan ang publikasyon)

PARA SA TALAKAYAN:

Ano ang natutuhan mo sa mga talatang ito? Sapat na bang malaman ang pangalan ng Diyos para sang-ayunan niya?

CLUE: Basahin ang Awit 91:2; Kawikaan 3:5, 6.

Bakit isang katalinuhan na iwasang makialam sa mga bagay-bagay ng ibang tao?

CLUE: Basahin ang Galacia 6:5-7; 1 Tesalonica 4:11; 1 Pedro 4:15.

Pagkatapos, basahin ang Kawikaan 26:18, 19. Lahat ba ng pagbibiro ay basta katuwaan lang?

CLUE: Basahin ang Kawikaan 14:13; 15:21; Mateo 7:12.

PARA SA PAMILYA:

Basahin nang sama-sama ang Kawikaan 31:10-31. Iaaksiyon ng isang miyembro ng pamilya, nang hindi nagsasalita, ang ilang gawain ng may-kakayahang asawang babae na inilarawan doon. Huhulaan naman ito ng ibang miyembro ng pamilya. Pag-usapan kung anong mga gawain ang puwede ninyong pag-aralan para mapasulong ang inyong kakayahan.

Ipunin at Pag-aralan

Gupitin, tiklupin, at ingatan

BIBLE CARD 10 SOLOMON

MGA TANONG

A. Sa halip na kayamanan o mahabang buhay, ano ang hiniling ni Solomon sa panalangin?

B. Kumpletuhin. Si Solomon ay nakapagsalita ng ․․․․․ kawikaan, at ang kaniyang mga awit ay umabot sa ․․․․․.

C. Ano ang isa pang pangalang ibinigay kay Solomon?

[Chart]

4026 B.C.E. Nilalang si Adan

Nabuhay noong mga 1000 B.C.E.

1 C.E.

98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya

[Mapa]

Naglakbay nang mga 2,400 kilometro ang reyna ng Sheba para marinig ang karunungan ni Solomon

SHEBA

Jerusalem

SOLOMON

MAIKLING IMPORMASYON

Pangalawang anak nina David at Bat-sheba. Si Solomon ay namahala sa Israel nang 40 taon. Nagtayo siya ng isang malaking bahay para sa pagsamba kay Jehova. (1 Hari 5:2-5) Ginamit ni Jehova si Solomon para isulat ang Mga Kawikaan, Eclesiastes, at Awit ni Solomon. Napawalay siya kay Jehova dahil kumuha siya ng mga banyagang asawa.​—1 Hari 11:1-6.

MGA SAGOT

A. Isang masunuring puso.​—1 Hari 3:5-14.

B. 3,000, 1,005.​—1 Hari 4:29, 32.

C. Jedidias, nangangahulugang “Minamahal ni Jehova.”​—2 Samuel 12:24, 25.

Mga Tao at mga Lugar

3. Ako si Chloe, siyam na taóng gulang. Nakatira ako sa Canada. Mga ilan ang Saksi ni Jehova sa Canada? Ito ba ay 55,000, 88,000, o 110,000?

4. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalapit sa Canada.

A

B

C

D

Mga Bata, Hanapin ang Larawan

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

Kung gusto ninyong mag-print ng karagdagang kopya ng “Repaso Para sa Pamilya,” pumunta sa www.jw.org

● Nasa pahina 24 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”

MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31

1. Matibay na tore.

2. Aso.

3. 110,000.

4. A.