Mga Awit 91:1-16
91 Ang sinumang naninirahan sa lihim na lugar ng Kataas-taasan+Ay nanganganlong sa lilim ng Makapangyarihan-sa-Lahat.+
2 Sasabihin ko kay Jehova: “Ikaw ang aking kanlungan at moog,*+Ang aking Diyos na pinagtitiwalaan ko.”+
3 Ililigtas ka niya mula sa bitag ng manghuhuli ng ibon,Mula sa kapaha-pahamak na salot.
4 Tatakpan* ka niya ng kaniyang mga bagwis,At manganganlong ka sa ilalim ng kaniyang mga pakpak.+
Ang katapatan niya+ ay magiging isang malaking kalasag+ at pananggalang na pader.*
5 Hindi ka matatakot sa mga bagay na nakapangingilabot sa gabi,+O sa palaso na lumilipad sa araw,+
6 O sa salot na gumagala sa dilim,O sa pagkapuksa na nananalanta sa katanghaliang-tapat.
7 Isang libo ang mabubuwal sa tabi moAt sampung libo sa kanan mo,Pero hindi iyon lalapit sa iyo.+
8 Manonood ka langHabang pinaparusahan* ang masasama.
9 Dahil sinabi mo: “Si Jehova ang kanlungan ko,”Ginawa mong tahanan* mo ang Kataas-taasan;+
10 Walang kapahamakang mangyayari sa iyo,+At walang salot na lalapit sa tolda mo.
11 Dahil uutusan niya ang mga anghel niya+Na bantayan ka saan ka man magpunta.+
12 Bubuhatin ka nila+Para hindi tumama sa bato ang paa mo.+
13 Ang leon at ang kobra ay tatapakan mo;Yuyurakan mo ang malakas na leon at ang malaking ahas.+
14 Sinabi ng Diyos: “Dahil mahal niya ako, ililigtas ko siya.+
Poprotektahan ko siya dahil alam* niya ang pangalan ko.+
15 Tatawag siya sa akin, at sasagutin ko siya.+
Tutulungan ko siya sa panahon ng paghihirap.+
Ililigtas ko siya at luluwalhatiin.
16 Gagantimpalaan ko siya ng mahabang buhay,+At ipapakita ko sa kaniya ang pagliligtas ko.”+
Talababa
^ O “tanggulan.”
^ O “Ipagsasanggalang.”
^ O “at tanggulan.”
^ Lit., “ginagantihan.”
^ O posibleng “tanggulan; kanlungan.”
^ O “kinikilala.”