Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Paano Makakatulong ang mga Magulang?

Paano Makakatulong ang mga Magulang?

Paano Makakatulong ang mga Magulang?

HINIMOK ng isang organisasyong pang-edukasyon sa Estados Unidos ang mga estudyante sa haiskul: “Huwag kayong hihinto hangga’t hindi ninyo naaabot ang inyong mga pangarap.” Palibhasa’y gustong maabot ang kanilang ambisyon, sinasagad ng ilang kabataan ang kanilang lakas. Ganito ang isinulat ni Madeline Levine na binanggit sa naunang artikulo: “Dahil sa karagdagang mga subject, napakaraming extracurricular activity, advance na mga subject bilang paghahanda sa haiskul o kolehiyo, mga coach at tutor na pumipiga sa utak ng mga estudyante, maraming bata ang wala nang pahinga.” Sa ganiyang kalagayan, apektado ang emosyon at kalusugan ng mga estudyante.

Kung nag-aalala ka dahil nai-stress ang iyong anak sa eskuwela, pumunta ka mismo sa eskuwela. Makipag-usap sa mga guro, tagapayo, at administrador. Sabihin sa kanila ang naoobserbahan mo. May karapatan kang gawin iyan.

Pinasisigla ng Bibliya ang mga magulang na subaybayang mabuti ang pagsulong ng kanilang mga anak. Sinabi ni Moises sa mga magulang sa bansang Israel: “Ikikintal mo iyon [ang kautusan ng Diyos] sa iyong anak at sasalitain mo iyon kapag nakaupo ka sa iyong bahay at kapag naglalakad ka sa daan at kapag nakahiga ka at kapag bumabangon ka.”​—Deuteronomio 6:7.

Hindi panghihimasok sa buhay ng iyong anak kung aalamin mo ang mga nangyayari sa kaniya sa eskuwela. Ipinakikita nito na mahal mo ang iyong anak at handa mo siyang alalayan. At napakalaki ng magagawa nito para mabawasan ang stress niya sa eskuwela.

[Larawan sa pahina 8, 9]

Ipakipag-usap sa mga guro at tagapayo kung gaano katindi ang stress na dinaranas ng iyong anak