Stress at mga Estudyante
Stress at mga Estudyante
SI Jennifer, 17 anyos, ay isa sa palaging nangunguna sa kanilang klase. Sumasali siya sa maraming extracurricular activity at hanga sa kaniya ang mga guro at tagapayo sa kanilang eskuwela. Pero bago siya makagradweyt, madalas siyang makaramdam ng matinding pananakit ng ulo at madalas siyang maduwal. Sa tingin niya, dahil ito sa pagiging subsob sa pag-aaral at kakulangan ng tulog.
Hindi lamang si Jennifer ang nakararanas nito. Tila parami nang parami ang mga estudyanteng dumaranas ng matinding stress, at ang ilan ay nagpapatingin pa nga sa saykayatris. Dahil dito, bumuo ang isang grupo ng mga guro sa Amerika ng isang programa para mabawasan ang stress sa eskuwela. Tinawag itong Challenge Success.
Kung isa kang estudyante, baka nai-stress ka rin gaya ni Jennifer. O kung isa kang magulang, malamang na nakikita mong nai-stress ang iyong anak dahil sa kagustuhang manguna sa klase. May makukuha bang praktikal na payo ang mga estudyante at ang kanilang mga magulang?