Alam Mo Ba?

Alam Mo Ba?

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)

1. Bakit mali para sa isang tao na tangkaing ipaghiganti ang sarili o ang iba? (Roma 12:19)

2. Bakit ipinagbabawal ni Jehova ang pagsamba sa mga imahen? (Isaias 42:8)

3. Paano minalas ni Jesus ang kaniyang bigay-Diyos na atas sa lupa? (Juan 4:34)

4. Saan pinahiran si David bilang hari, anupat itinatag doon ang kaniyang kabisera bago ito ilipat sa Jerusalem? (2 Samuel 2:1-4)

5. Ayon kay Juan, anong mahalagang hiyas ang katulad ng bahaghari na nasa palibot ng trono ni Jehova? (Apocalipsis 4:3)

6. Ano ang isang lugar na lumilitaw na hinintuan ni Pablo noong dinadala siya sa Roma bilang isang bilanggo? (Gawa 28:13)

7. Sa anong patulang parirala tinukoy ni Jeremias ang Jerusalem nang pinananaghuyan niya ang pagkapuksa nito? (Panaghoy 2:2)

8. Kaninong tagapamahala natakot si David kung kaya’t nagkunwari siyang baliw? (1 Samuel 21:12-15)

9. Bakit pinarurusahan ng kamatayan ang paggawa ng langis na pamahid na katulad ng ipinagawa ni Jehova kay Moises o ang personal na paggamit dito? (Exodo 30:31-38)

10. Sino ang alagad na naging dahilan ng “matinding pagsiklab ng galit” nina Pablo at Bernabe na nagbunga ng kanilang paghihiwalay ng landas? (Gawa 15:36-41)

11. Ayon sa Juan 3:16, salig sa ano nagtatamo ng buhay na walang hanggan ang isa?

12. Ano ang tawag ng mga unang-siglong Kristiyano sa mga kapananampalataya? (3 Juan 14)

13. Sino ang nakilala sa kaniyang paraan ng pagtakbo sa pagdadala ng balita kay David? (2 Samuel 18:27)

14. Bakit hindi pinayagang makapasok si Moises sa Lupang Pangako? (Bilang 20:7-12)

15. Sino ang kilalá sa pagpapatakbo ng kaniyang karo nang “may kabaliwan”? (2 Hari 9:20)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Sapagkat ipinahayag ni Jehova: “Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti”

2. Siya lamang ang karapat-dapat sambahin, luwalhatiin, at purihin

3. Iyon ay parang pagkain sa kaniya

4. Hebron

5. Esmeralda

6. Puteoli

7. “Anak na babae ng Juda”

8. Akis, ang hari ng Gat

9. Ito ay itinuring na banal, na nagpapahiwatig ng kahalagahan at pagiging sagrado may kinalaman sa mga bagay na isinaayos ni Jehova

10. Marcos

11. Pananampalataya kay Jesus

12. Mga kaibigan

13. Ahimaas

14. Kumilos siya nang padalus-dalos at hindi niya dinakila ang pangalan ni Jehova nang maglaan siya ng tubig para sa mga Israelita

15. Jehu