Mga Panaghoy 2:1-22

א [Alep] 2  Sa galit ni Jehova ay tinakpan niya ng ulap ang anak na babae ng Sion! Mula sa langit ay inihagis niya sa lupa ang kagandahan ng Israel.+ Hindi niya inalaala ang tuntungan niya+ sa araw ng kaniyang galit. ב [Bet]   Walang awang winasak ni Jehova ang lahat ng tirahan ng Jacob. Sa kaniyang poot ay giniba niya ang mga tanggulan ng anak na babae ng Juda.+ Ibinagsak niya sa lupa at nilapastangan ang kaharian+ at ang matataas na opisyal nito.+ ג [Gimel]   Sa galit ay tinanggal niya ang buong lakas* ng Israel. Iniurong niya ang kanang kamay niya nang dumating ang kaaway,+At sa Jacob ay patuloy siyang nagliliyab na gaya ng apoy na tumutupok sa lahat ng nasa palibot nito.+ ד [Dalet]   Binaluktot* niya ang búsog niya na gaya ng isang kaaway; ang kanang kamay niya ay naging gaya ng isang kalaban;+Pinatay niya ang lahat ng kanais-nais sa paningin.+ At ibinuhos niya ang galit niya na gaya ng isang apoy+ sa tolda ng anak na babae ng Sion.+ ה [He]   Si Jehova ay naging parang kaaway;+Nilamon niya ang Israel. Nilamon niya ang lahat ng tore nito;Sinira niya ang mga tanggulan nito. At ang anak na babae ng Juda ay pinuno niya ng pagdadalamhati at pagtaghoy. ו [Waw]   Giniba niya ang kaniyang kubol,+ gaya ng isang kubo sa hardin. Winakasan* niya ang kapistahan niya.+ Binura ni Jehova ang alaala ng kapistahan at ng sabbath sa Sion,At sa tindi ng galit niya ay hindi siya nagpapakita ng konsiderasyon sa hari at sa saserdote.+ ז [Zayin]   Itinakwil ni Jehova ang altar niya;Tinalikuran niya ang kaniyang santuwaryo.+ Isinuko niya sa kaaway ang mga pader ng matitibay niyang tore.+ Naghihihiyaw sila sa bahay ni Jehova,+ gaya ng sa araw ng kapistahan. ח [Het]   Ipinasiya ni Jehova na gibain ang pader ng anak na babae ng Sion.+ Iniunat niya ang pising panukat.+ Hindi niya pinigilan ang kamay niya sa pagwasak.* At pinagdalamhati niya ang tanggulan at pader. Pareho itong pinahina. ט [Tet]   Ang mga pintuang-daan nito ay lumubog sa lupa.+ Winasak niya at sinira ang mga halang nito. Ang hari at ang matataas na opisyal nito ay ipinatapon sa mga bansa.+ Walang kautusan;* kahit ang mga propeta nito ay walang nakitang pangitain mula kay Jehova.+ י [Yod] 10  Ang matatandang lalaki ng anak na babae ng Sion ay tahimik na nakaupo sa lupa.+ Naglalagay sila ng alabok sa ulo at nakasuot sila ng telang-sako.+ Ang mga dalaga ng Jerusalem ay sumubsob sa lupa. כ [Kap] 11  Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak.+ Naghihirap ang kalooban* ko. Nadurog ang puso ko,* dahil sa pagbagsak ng anak na babae ng bayan ko,*+Dahil nanlulupaypay ang mga bata at mga sanggol sa mga liwasan* ng bayan.+ ל [Lamed] 12  Paulit-ulit nilang itinatanong sa kanilang ina: “Nasaan ang butil at alak?”+ Habang nanghihina silang gaya ng taong sugatán sa mga liwasan ng lunsod,Habang unti-unti silang namamatay sa bisig ng kanilang ina. מ [Mem] 13  Ano ang gagamitin kong saksi,O sa ano kita maitutulad, O anak na babae ng Jerusalem? Saan kita maikukumpara para maaliw kita, O anak na dalaga ng Sion? Dahil ang iyong pagkawasak ay kasinlaki ng dagat.+ Sino ang makapagpapagaling sa iyo?+ נ [Nun] 14  Ang mga pangitaing nakita ng mga propeta mo ay di-totoo at walang kabuluhan.+Hindi nila inilantad ang kasalanan mo para mahadlangan ang pagbihag sa iyo.+Sa halip, patuloy silang nagsabi ng mga pangitaing di-totoo at nakaliligaw.+ ס [Samek] 15  Ang lahat ng dumadaan sa lansangan ay pumapalakpak sa iyo nang may panghahamak.+ Napapasipol sila+ at napapailing sa anak na babae ng Jerusalem, at sinasabi nila: “Ito ba ang lunsod na sinasabi nilang ‘sukdulan sa ganda, ang kagalakan ng buong lupa’?”+ פ [Pe] 16  Ibinuka ng lahat ng kaaway mo ang kanilang bibig laban sa iyo. Sumisipol sila at nagngangalit ang mga ngipin nila, at sinasabi nila: “Nalamon natin siya.+ Ito ang araw na hinihintay natin!+ Dumating na ito, at nakita natin ito!”+ ע [Ayin] 17  Ginawa ni Jehova ang ipinasiya niya;+ tinupad niya ang sinabi niya,+Ang iniutos niya noon pa man.+ Walang awa siyang gumiba.+ Hinayaan niyang magtagumpay sa iyo ang kaaway at magsaya; pinalakas niya ang* mga kalaban mo. צ [Tsade] 18  Humihiyaw ang puso nila kay Jehova, O pader ng anak na babae ng Sion. Umagos nawa ang mga luha gaya ng ilog araw at gabi. Huwag kang tumigil, huwag mong pagpahingahin ang mata mo.* ק [Kop] 19  Bumangon ka! Umiyak ka buong magdamag.* Ibuhos mo ang puso mo na parang tubig sa harap ni Jehova. Itaas mo sa kaniya ang mga kamay mo alang-alang sa buhay ng mga anak mo,Na nanghihina sa kanto ng bawat kalye* dahil sa taggutom.+ ר [Res] 20  Tingnan mo, O Jehova, ang isa na pinagmalupitan mo. Dapat bang kainin ng mga babae ang mga supling* nila, ang sarili nilang malulusog na anak,+O dapat bang patayin sa santuwaryo ni Jehova ang mga saserdote at mga propeta?+ ש [Shin] 21  Ang batang lalaki at ang matandang lalaki ay patay at nakahandusay sa lansangan.+ Ang aking mga dalaga at mga binata ay namatay sa espada.+ Pumatay ka sa araw ng galit mo; pumatay ka ng marami at hindi ka naawa.+ ת [Taw] 22  Gaya ng sa araw ng kapistahan,+ nagtawag ka ng nakapangingilabot na mga bagay mula sa lahat ng panig. Sa araw ng poot ni Jehova ay walang nakatakas o nakaligtas;+Ang mga isinilang ko* at inaruga, nilipol sila ng kaaway ko.+

Talababa

Lit., “ay pinutol niya ang bawat sungay.”
Lit., “Tinapakan.”
O “Sinira.”
Lit., “paglamon.”
O “tagubilin.”
Lit., “bituka.”
Lit., “Bumuhos sa lupa ang atay ko.”
Ang “anak na babae ng bayan ko” ay makatang pananalita na malamang na nagpapahayag ng awa o simpatiya.
O “plaza.”
Lit., “itinaas niya ang sungay ng.”
Lit., “ang anak na babae ng mata mo.”
Lit., “sa gabi, sa pasimula ng mga yugto ng pagbabantay.”
Lit., “sa ulo ng lahat ng kalye.”
O “bunga.”
O “mga iniluwal ko nang malusog.”

Study Notes

Media