Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo?

NANINIWALA ANG ILAN na kapag namatay ang isa, may humihiwalay sa kaniyang katawan at patuloy itong nabubuhay. Pero para sa iba, ang kamatayan ang wakas ng ating buhay. Ikaw, ano ang paniniwala mo?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran.” (Eclesiastes 9:5) Kapag namatay tayo, hindi na tayo umiiral.

ANG MATUTUTUHAN PA NATIN SA BIBLIYA

  • Ang unang taong si Adan ay bumalik sa alabok noong mamatay siya. (Genesis 2:7; 3:19) Kaya lahat ng namamatay ay bumabalik din sa alabok.—Eclesiastes 3:19, 20.

  • Ang mga namatay ay pinawalang-sala na, o pinatawad, sa kanilang mga kasalanan. (Roma 6:7) Hindi na sila kailangan pang parusahan pagkamatay nila.

Mabubuhay bang muli ang mga patay?

ANO ANG SAGOT MO?

  • Oo

  • Hindi

  • Siguro

ANG SABI NG BIBLIYA

“Magkakaroon ng pagkabuhay-muli.”—Gawa 24:15.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Madalas ihambing ng Bibliya ang kamatayan sa pagtulog. (Juan 11:11-14) Kayang gisingin ng Diyos ang mga patay, kung paanong kaya nating gisingin ang isang taong natutulog.—Job 14:13-15.

  • Nakaulat sa Bibliya ang ilang halimbawa ng pagkabuhay-muli, kaya may matibay na dahilan tayo para maniwalang bubuhaying muli ang mga patay.—1 Hari 17:17-24; Lucas 7:11-17; Juan 11:39-44.