Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maremagnum/Corbis Documentary via Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Magsisimula Ba sa Israel ang Armagedon?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Magsisimula Ba sa Israel ang Armagedon?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Sinasabi ng Bibliya na hindi lang digmaan sa isang maliit na bahagi ng mundo ang Armagedon, kundi isa itong digmaan na magaganap sa buong mundo sa pagitan ng Diyos at ng lahat ng gobyerno ng tao.

  •   Ang “mga mensaheng galing sa mga demonyo [ay] pumupunta . . . sa mga hari ng buong lupa, para tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. . . . Tinipon sila ng mga ito sa lugar na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.”—Apocalipsis 16:14, 16.

 Ang salitang “Armagedon” ay galing sa salitang Hebreo na Har Meghid·dohnʹ na nangangahulugang “Bundok ng Megido.” Isang lunsod sa Israel noon ang Megido. Kaya naiisip ng ilan na magsisimula ang Armagedon sa Israel. Pero hindi magkakasiya sa Megido o sa iba pang lugar sa Middle East ang “mga hari ng buong lupa” at mga sundalo nila.

 Ang aklat ng Apocalipsis ay isinulat “sa pamamagitan ng mga tanda,” o sa makasagisag na paraan. (Apocalipsis 1:1) Hindi isang literal na lugar ang Armagedon. Isa itong pangyayari sa buong mundo kung saan magtutulungan ang lahat ng bansa para labanan ang pamamahala ng Diyos.—Apocalipsis 19:11-16, 19-21.