Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 61

Sulong, mga Saksi!

Sulong, mga Saksi!

(Lucas 16:16)

  1. 1. Determinado ngayong kawakasan,

    Ipagtatanggol balita ng Kaharian.

    Sumasalansang man ang Diyablo,

    Kay Jehova, maninindigan tayo.

    (KORO)

    O sulong, mga Saksi, magpakatatag!

    Ang gawain ay dapat na ikagalak!

    Sabihing ang Paraiso’y malapit na;

    Pagpapala nito’y darating na.

  2. 2. ’Di natin hanap buhay na maalwan;

    Mundo ay hindi natin kinakaibigan.

    Sikapin na huwag madungisan;

    Katapatan sa Diyos ay iingatan.

    (KORO)

    O sulong, mga Saksi, magpakatatag!

    Ang gawain ay dapat na ikagalak!

    Sabihing ang Paraiso’y malapit na;

    Pagpapala nito’y darating na.

  3. 3. Kaharian ng Diyos tinatanggihan;

    Ang pangalan niya ngayo’y sinisiraan.

    Tayo ay makikibahagi

    sa pagpapabanal nito palagi.

    (KORO)

    O sulong, mga Saksi, magpakatatag!

    Ang gawain ay dapat na ikagalak!

    Sabihing ang Paraiso’y malapit na;

    Pagpapala nito’y darating na.