Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 62

Ang Bagong Awit

Pumili ng Audio Recording
Ang Bagong Awit
PAGKAKAAYOS

(Awit 98)

  1. 1. Ihandog ninyo sa Diyos ang bagong awitin.

    Dakilang gawa niya ay ihayag natin.

    Siya ay malakas, at Diyos siya ng kaligtasan.

    At siya ay hahatol

    para sa kat’wiran.

    (KORO)

    Umawit!

    Tayo ay magbunyi!

    Umawit!

    Si Jehova’y Hari.

  2. 2. Magalak kayo, ang ating Hari’y purihin!

    Ang kaniyang pangalan, parangalan natin.

    Sa harap niya ay umawit nang sama-sama;

    Tugtugin ang alpa,

    tambuli’t trumpeta.

    (KORO)

    Umawit!

    Tayo ay magbunyi!

    Umawit!

    Si Jehova’y Hari.

  3. 3. Ang karagatan, lahat ng naro’y pumuri.

    Mga nasa lupa, lahat ay magbunyi.

    Mga ilog ay pumalakpak at magsaya.

    Mga kabundukan,

    umawit sa kaniya.

    (KORO)

    Umawit!

    Tayo ay magbunyi!

    Umawit!

    Si Jehova’y Hari.

(Tingnan din ang Awit 96:1; 149:1; Isa. 42:10.)