Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 12-13

Ang Ilustrasyon Tungkol sa Trigo at Panirang-Damo

Ang Ilustrasyon Tungkol sa Trigo at Panirang-Damo

Ginamit ni Jesus ang trigo at panirang-damo para ilarawan kung paano at kailan niya titipunin mula sa mga tao ang lahat ng uring trigo ng pinahirang Kristiyano, pasimula noong 33 C.E.

13:24

‘Isang tao ang naghasik ng mainam na binhi sa kaniyang bukid’

  • Manghahasik: Si Jesu-Kristo

  • Inihasik ang mainam na binhi: Pinahiran ng banal na espiritu ang mga alagad ni Jesus

  • Bukid: Ang sangkatauhan

13:25

“Habang natutulog ang mga tao, ang kaniyang kaaway ay dumating at naghasik ng mga panirang-damo”

  • Kaaway: Ang Diyablo

  • Natutulog ang mga tao: Pagkamatay ng mga apostol

13:30

“Hayaan ninyong kapuwa sila lumaking magkasama hanggang sa pag-aani”

  • Trigo: Mga pinahirang Kristiyano

  • Panirang-damo: Mga huwad na Kristiyano

“Tipunin muna ninyo ang mga panirang-damo . . . pagkatapos ay tipunin ninyo ang trigo”

  • Mga alipin/manggagapas: Mga anghel

  • Tinipon ang panirang-damo: Ibinukod ang mga huwad na Kristiyano sa mga pinahirang Kristiyano

  • Pagtitipon sa kamalig: Ang mga pinahirang Kristiyano ay sinimulang tipunin sa nilinis na kongregasyon

Kapag nagsimula ang panahon ng pag-aani, ano ang malaking pagkakaiba ng mga tunay na Kristiyano sa mga huwad na Kristiyano?

Paano ako makikinabang kapag naunawaan ko ang ilustrasyong ito?