Esther 4:1-17
4 At nalaman ni Mardokeo+ ang lahat ng ginawa;+ at hinapak ni Mardokeo ang kaniyang mga kasuutan at nagsuot ng telang-sako+ at naglagay ng abo+ at lumabas sa gitna ng lunsod at sumigaw ng isang malakas at mapait na hiyaw.+
2 Nang dakong huli ay nakarating siya hanggang sa tapat ng pintuang-daan ng hari,+ sapagkat walang sinumang may pananamit na telang-sako ang makapapasok sa pintuang-daan ng hari.
3 At sa lahat ng iba’t ibang nasasakupang distrito,+ saanman nakaaabot ang salita ng hari at ang kaniyang kautusan, ay nagkaroon ng matinding pagdadalamhati+ sa gitna ng mga Judio, at pag-aayuno+ at pagtangis at paghagulhol. Telang-sako+ at abo+ ang inilatag bilang higaan ng marami.
4 At ang mga kabataang babae ni Esther at ang kaniyang mga bating+ ay pumaroon at nagsabi sa kaniya. At ang reyna ay lubhang namanglaw. Sa gayon ay nagpadala siya ng mga kasuutan upang damtan si Mardokeo at alisin sa kaniya ang kaniyang telang-sako. At hindi niya tinanggap ang mga iyon.+
5 Kaya tinawag ni Esther si Hatac,+ na isa sa mga bating ng hari, na pinag-aasikaso nito sa kaniya, at inutusan niya ito may kinalaman kay Mardokeo, upang alamin kung ano ang kahulugan nito at kung tungkol saan ang lahat ng ito.
6 Sa gayon ay nilabas ni Hatac si Mardokeo sa liwasan ng lunsod na nasa harap ng pintuang-daan ng hari.
7 At sinabi ni Mardokeo sa kaniya ang tungkol sa lahat ng bagay na nangyari sa kaniya+ at ang hustong halaga ng salapi na sinabi ni Haman na ibabayad sa ingatang-yaman ng hari+ laban sa mga Judio, upang puksain sila.+
8 At isang kopya+ ng sulat ng kautusan na ibinigay sa Susan+ upang lipulin sila ang ibinigay niya rito upang ipakita kay Esther at sabihin sa kaniya at utusan siya+ na pumaroon sa hari at mamanhik dito+ at tuwirang humiling sa harap nito para sa kaniyang bayan.+
9 Si Hatac+ ngayon ay pumasok at sinabi kay Esther ang mga salita ni Mardokeo.
10 Sa gayon ay sinabi ni Esther kay Hatac at iniutos sa kaniya may kinalaman kay Mardokeo:+
11 “Ang lahat ng mga lingkod ng hari at ang mga tao sa mga nasasakupang distrito ng hari ay nakababatid, na kung tungkol sa sinumang lalaki o babae na pumaroon sa hari sa pinakaloob na looban+ nang hindi tinawag, ang isang kautusan+ niya ay ang ipapatay siya; tangi lamang kung iuunat sa kaniya ng hari ang ginintuang setro, siya ay mananatili ngang buháy.+ Kung tungkol sa akin, hindi pa ako tinatawag upang pumaroon sa hari sa loob ng tatlumpung araw na ngayon.”
12 At sinabi nila kay Mardokeo ang mga salita ni Esther.
13 Sa gayon ay sinabi ni Mardokeo bilang tugon kay Esther: “Huwag mong akalain sa iyong kaluluwa na ang sambahayan ng hari ay higit na makatatakas kaysa sa lahat ng iba pang Judio.+
14 Sapagkat kung lubusan kang tatahimik sa panahong ito, ang kaginhawahan at katubusan ay babangon mula sa ibang dako para sa mga Judio;+ ngunit kung tungkol sa iyo at sa sambahayan ng iyong ama, kayo ay malilipol. At sino ang nakaaalam kung dahil nga sa pagkakataong katulad nito kaya nagkamit ka ng maharlikang dangal?”+
15 Sa gayon ay sinabi ni Esther bilang tugon kay Mardokeo:
16 “Yumaon ka, tipunin mo ang lahat ng mga Judio na masusumpungan sa Susan+ at mag-ayuno+ kayo para sa akin at huwag kayong kumain ni uminom man sa loob ng tatlong araw,+ gabi at araw. Ako rin kasama ng aking mga kabataang babae,+ ako ay mag-aayuno nang gayundin, at sa gayon ay paroroon ako sa hari, na hindi ayon sa kautusan; at kung mamamatay ako+ ay mamamatay nga ako.”
17 At yumaon si Mardokeo at ginawa ang ayon sa lahat ng iniutos ni Esther sa kaniya.