Esther 6:1-14
6 Nang gabing iyon ay hindi makatulog ang hari.+ Kaya sinabi niya na dalhin ang aklat ng mga talaan+ ng mga pangyayari sa mga panahon. Sa gayon ay binasa ang mga iyon sa harap ng hari.
2 Nang dakong huli ay nasumpungang nakasulat yaong iniulat+ ni Mardokeo may kinalaman kina Bigtana at Teres, dalawang opisyal ng korte+ ng hari, mga bantay-pinto, na nagtangkang pagbuhatan ng kamay si Haring Ahasuero.
3 At sinabi ng hari: “Anong karangalan at dakilang bagay ang ginawa kay Mardokeo para rito?” Dito ay sinabi ng mga tagapaglingkod ng hari, na kaniyang mga lingkod: “Walang anumang ginawa sa kaniya.”+
4 Nang maglaon ay sinabi ng hari: “Sino ang nasa looban?” Si Haman nga ay pumasok sa dakong labas na looban+ ng bahay ng hari upang sabihin sa hari na ibitin si Mardokeo sa tulos+ na inihanda niya para rito.
5 At ang mga tagapaglingkod ng hari ay nagsabi sa kaniya: “Narito si Haman+ na nakatayo sa looban.” Kaya sinabi ng hari: “Papasukin siya.”
6 Nang pumasok si Haman, sinabi ng hari sa kaniya: “Ano ang dapat gawin sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari?”+ Sa gayon ay sinabi ni Haman sa kaniyang puso: “Sino ang kalulugdan ng hari na pag-ukulan ng karangalan nang higit kaysa sa akin?”+
7 Kaya sinabi ni Haman sa hari: “Kung tungkol sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari,
8 magdala sila ng damit-hari+ na isinusuot ng hari at ng isang kabayo na sinasakyan ng hari+ at sa ulo nito ay ilagay ang maharlikang putong.
9 At ilagay ang damit at ang kabayo sa pangangasiwa ng isa sa mga maharlikang prinsipe ng hari;+ at damtan nila ang lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari, at pasakayin nila siya sa kabayo sa liwasan+ ng lunsod,+ at tumawag sila sa unahan niya, ‘Ganito ang ginagawa sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari.’ ”+
10 Kaagad na sinabi ng hari kay Haman: “Dali, kunin mo ang damit at ang kabayo, gaya ng sinabi mo, at gayon ang gawin mo kay Mardokeo na Judio na nakaupo sa pintuang-daan ng hari. Huwag mong hayaang di-matupad ang anumang bagay sa lahat ng iyong sinalita.”+
11 At kinuha ni Haman ang damit+ at ang kabayo at dinamtan si Mardokeo+ at pinasakay siya sa liwasan+ ng lunsod at tumawag sa unahan niya:+ “Ganito ang ginagawa sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari.”+
12 Pagkatapos ay bumalik si Mardokeo sa pintuang-daan ng hari.+ Kung tungkol kay Haman, dali-dali siyang umuwi sa kaniyang bahay, na nagdadalamhati at may takip sa kaniyang ulo.+
13 At isinaysay ni Haman kay Zeres+ na kaniyang asawa at sa lahat ng kaniyang mga kaibigan ang lahat ng nangyari sa kaniya. Sa gayon ay sinabi sa kaniya ng kaniyang mga taong marurunong+ at ni Zeres na kaniyang asawa: “Kung mula nga sa binhi ng mga Judio si Mardokeo na sa harap niya ay nagsimula kang mabuwal, hindi ka mananaig laban sa kaniya, kundi walang pagsalang mabubuwal ka sa harap niya.”+
14 Samantalang nakikipag-usap pa sila sa kaniya ay dumating ang mga opisyal ng korte ng hari at dali-daling+ dinala si Haman sa piging+ na inihanda ni Esther.