Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 27

Pumanig kay Jehova!

Pumanig kay Jehova!

(Exodo 32:26)

1. Puso no’ng una’y may kaguluhan,

Pagsambang huwad ang kopang inuman;

Ngunit ngayo’y may kaligayahan

Dahil sa Kaharian.

(KORO)

Panig kay Jehova;

Siya’ng kagalakan.

’Di ka niya iiwan;

Tanglaw niya’y sundan.

Ating ibalitang

Ang Kaharian

Ay laging susulong

Nang walang hanggan.

2. Tayo’y maglingkuran sa ating Diyos,

Katotohanan niya’y ipatalos,

Kagalingan niya’y sabihing lubos,

Papuri ay ihandog.

(KORO)

Panig kay Jehova;

Siya’ng kagalakan.

’Di ka niya iiwan;

Tanglaw niya’y sundan.

Ating ibalitang

Ang Kaharian

Ay laging susulong

Nang walang hanggan.

3. Diyablo’y ’di natin katatakutan,

’Pagkat si Jehova ang kanlungan.

Sila’y marami’t tayo’y iilan,

Diyos ating kalakasan.

(KORO)

Panig kay Jehova;

Siya’ng kagalakan.

’Di ka niya iiwan;

Tanglaw niya’y sundan.

Ating ibalitang

Ang Kaharian

Ay laging susulong

Nang walang hanggan.