Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Ipagtanggol ang Tunay na Pagsamba!

Ipagtanggol ang Tunay na Pagsamba!

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

Pangunahing mga tauhan: Elias, Ahab, at mga 450 propeta ni Baal

Sumaryo: Pinatunayan ni Elias na nakahihigit si Jehova kay Baal.

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG 1 HARI 18:17-40.

Sa isang papel, idrowing ang iniisip mong posisyon ni Elias, ng mga propeta ni Baal, at ng mga altar.

Anu-ano ang “naririnig” mo sa magulong eksenang inilalarawan sa talata 26 hanggang 29?

․․․․․

Ano sa palagay mo ang nadarama ni Elias habang kausap niya ang mga propeta ni Baal?

․․․․․

2 PAG-ARALANG MABUTI.

Bakit kailangan ni Elias ng lakas ng loob sa paglapit kay Ahab at pagsasagawa ng isang pagsubok na hihiya sa daan-daang propeta ni Baal? (Clue: Basahin ang 1 Hari 18:4, 13, 14.)

․․․․․

Magsaliksik tungkol sa pagsamba kay Baal. Halimbawa, anu-anong gawain ang iniuugnay sa pagsamba kay Baal? Ano ang naging epekto sa Israel ng pagsamba kay Baal?

․․․․․

Sa palagay mo, bakit humukay si Elias ng trinsera sa palibot ng altar ni Jehova at pagkatapos ay pinunô ito ng tubig?

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa kinakailangang lakas ng loob upang ipagtanggol ang tunay na pagsamba.

․․․․․

Sa mga pakinabang sa pagpapakita ng gayong lakas ng loob.

․․․․․

PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.

Sa anong (mga) pitak ng buhay maaari kang magpakita ng higit na lakas ng loob sa pagtatanggol sa tunay na pagsamba?

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

Kung wala kang Bibliya, humiling nito sa mga Saksi ni Jehova, o basahin ito sa web site na www.watchtower.org

[Kahon sa pahina 31]

Impormasyon Tungkol sa Pandistritong Kombensiyon

Simula sa taóng ito, ang mga petsa at lugar ng taunang mga pandistritong kombensiyon ay hindi na lilitaw sa edisyon sa wikang Ingles ng Ang Bantayan. Ang impormasyon ay makikita sa Web site na jw.org.