Tip sa Pag-aaral

Tip sa Pag-aaral

Kabisaduhin ang mga Kanta Natin

“Kapag lungkot na lungkot ako, pinapatibay ako ni Jehova sa tulong ng mga kanta sa JW Broadcasting®.”​—Lorraine, U.S.A.

Noon pa man, bahagi na ng pagsamba ng mga Kristiyano ang mga “espirituwal na awit.” (Col. 3:16) Kung kabisado mo ang mga ito, matutulungan ka nito kahit wala kang access sa songbook o gadget. Subukan ang mga sumusunod na tip para makabisado mo ang ilan sa mga kanta.

  • Basahin nang mabuti ang lyrics para maintindihan ang ibig sabihin ng kanta. Mas madali mong matatandaan ang kanta kung naiintindihan mo iyon. Makikita sa jw.org ang lyrics ng lahat ng kanta natin, kasama na ang mga original song at kantang pambata. Sa ilalim ng seksiyong Library, tingnan ang Musika.

  • Isulat ang lyrics. Makakatulong ito para mas matandaan mo iyon.​—Deut. 17:18.

  • Magpraktis nang malakas. Paulit-ulit na basahin o kantahin iyon.

  • Subukin ang memorya mo. Subukang alalahanin ang mga salita nang hindi tinitingnan ang lyric sheet, at tingnan kung gaano karami ang natandaan mo.