Kaunawaan sa Kasulatan

Maskil

Tagalog
Maskil
/assets/ct/b4d7e1101e/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Maskil

Maskil

 Ang salitang ito ay lumilitaw sa superskripsiyon ng 13 awit (32, 42, 44, 45, 52, 53, 54, 55, 74, 78, 88, 89, 142) at posibleng nangangahulugang “mapagdili-diling tula.” Gayunman, dahil di-matiyak ang kahulugan ng salitang Hebreong ito, hindi na ito isinalin ng maraming bersiyon. May pahiwatig hinggil sa kahulugan nito​—isang salita na kahawig ng anyo nito [ipinagpatuloy sa pahina 337] [karugtong ng pahina 320] ang isinasalin sa ibang mga talata bilang “kumikilos nang may kapantasan,” ‘gumagawing may karunungan,’ “gumagawi nang may pakundangan,” “may kaunawaan,” at iba pa.​—1Sa 18:14, 15; 2Cr 30:22; Aw 41:1; 53:2.