Mga Awit 55:1-23
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Maskil.* Awit ni David.
55 Pakinggan mo ang panalangin ko, O Diyos,+At huwag mong bale-walain ang pagmamakaawa ko.*+
2 Pakinggan mo ako at sagutin.+
Hindi ako mapalagay dahil sa ikinababahala ko,+At hindi ako matahimik
3 Dahil sa sinasabi ng kaawayAt sa panggigipit ng masama.
Patuloy nila akong pinahihirapan,At dahil sa galit nila ay malupit sila sa akin.+
4 Naghihirap ang puso ko,+At takot na takot ako sa kamatayan.+
5 Natatakot ako at nanginginig,At hindi ko mapigil ang pangangatog ko.
6 Lagi kong sinasabi: “Kung may mga pakpak lang sana ako na gaya ng kalapati!
Lilipad ako at maninirahan sa ligtas na lugar.
7 Tatakas ako sa malayo.+
Maninirahan ako sa ilang.+ (Selah)
8 Magmamadali ako papunta sa isang kanlungan,Malayo sa malakas na hangin, malayo sa bagyo.”
9 Lituhin mo sila, O Jehova, at biguin mo ang mga plano nila,*+Dahil nakita ko ang karahasan at pag-aaway sa lunsod.
10 Araw at gabi ay naglalakad sila sa ibabaw ng pader;Sa loob nito ay may poot at kaguluhan.+
11 Ang kapahamakan ay nasa loob nito;Laging may pang-aapi at panlilinlang sa mga liwasan* nito.+
12 Dahil hindi isang kaaway ang humahamak sa akin;+Kung kaaway siya, mapagtitiisan ko sana.
Hindi isang kalaban ang sumasalakay sa akin;Kung kalaban siya, makapagtatago sana ako mula sa kaniya.
13 Kundi ikaw, isang taong kagaya* ko,+Ang kasama ko mismo na kilalang-kilala ko.+
14 Dati tayong matalik na magkaibigan;Dati tayong lumalakad kasama ng karamihan papunta sa bahay ng Diyos.
15 Mapahamak sana sila!+
Bumaba sana silang buháy sa Libingan;*Dahil ang kasamaan ay nasa gitna nila at nasa puso nila.
16 Pero ako, tatawag ako sa Diyos,At ililigtas ako ni Jehova.+
17 Sa umaga, tanghali, at gabi ay nababahala ako at dumaraing,*+At naririnig niya ang tinig ko.+
18 Ililigtas* niya ako sa mga kaaway ko at bibigyan ng kapayapaan,Dahil maraming sumasalakay sa akin.+
19 Maririnig sila ng Diyos at kikilos siya laban sa kanila,+Siya na nakaupo sa trono mula pa noong unang panahon.+ (Selah)
Hindi sila magbabago,Sila na hindi natatakot sa Diyos.+
20 Sinalakay niya* ang mga hindi niya kaaway;+Sinira niya ang kaniyang tipan.+
21 Ang mga salita niya ay mas madulas pa sa mantikilya,+Pero pakikipaglaban ang nasa puso niya.
Ang mga salita niya ay mas nakagiginhawa* kaysa sa langis,Pero ang mga iyon ay matatalim na espada.+
22 Ihagis mo kay Jehova ang pasanin mo,+At aalalayan ka niya.+
Hindi niya kailanman hahayaang mabuwal* ang matuwid.+
23 Pero ikaw, O Diyos, ibababa mo sila sa pinakamalalim na hukay.+
Ang mga mamamatay-tao at mapanlinlang ay hindi aabot sa kalahati ng buhay nila.+
Pero ako, magtitiwala ako sa iyo.
Talababa
^ O “huwag kang magtago kapag nananalangin ako para sa tulong.”
^ Lit., “hatiin mo ang dila nila.”
^ O “plaza.”
^ O “kapantay.”
^ O “maingay.”
^ Lit., “Tutubusin.”
^ Ang dating kaibigan na binanggit sa tal. 13 at 14.
^ Lit., “malambot.”
^ O “sumuray.”