Mga Awit 142:1-7
Maskil.* Awit ni David noong nasa kuweba siya.+ Isang panalangin.
142 Humingi ako ng tulong kay Jehova;+Nagmakaawa ako kay Jehova para sa habag niya.
2 Sa harap niya ay ibinubuhos ko ang ikinababahala ko;Sa harap niya ay sinasabi ko ang tungkol sa pagdurusa ko+
3 Nang panghinaan ako ng loob.*
At binantayan mo ang daan ko.+
Sa landas na nilalakaran koAy nag-umang sila ng bitag para sa akin.
4 Tumingin ka sa kanan koAt makikita mong walang nagmamalasakit* sa akin.+
Wala akong matakasan;+Walang nag-aalala sa akin.
5 Humihingi ako sa iyo ng tulong, O Jehova.
Sinasabi ko: “Ikaw ang kanlungan ko,+Ang tanging pag-asa ko* sa mundong ito.”
6 Pakinggan mo ang paghingi ko ng tulong,Dahil nasa matinding kagipitan ako.
Iligtas mo ako sa mga mang-uusig,+Dahil mas malakas sila kaysa sa akin.
7 Ilabas mo ako sa bartolinaPara purihin ang pangalan mo.
Palibutan nawa ako ng mga matuwid,Dahil mabait ka sa akin.